^

PSN Showbiz

DJ Chacha mga bigatin ang mga ninong at ninang

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
DJ Chacha mga bigatin ang mga ninong at ninang
DJ Chacha & Mike

MANILA, Philippines — Ang sosyal ng kasal ni DJ Chacha sa isang businessman. As in dumating ang mga ninong at ninang nilang sina Madam Charo Santos, Sen. Tito Sotto and Madam Helen Gamboa, Madam Malou Santos, Karla Estrada, Noli de Castro, among others.

Ang akala talaga namin noon ay si Ted Failon ang boyfriend niya dahil nga grabe sila kung magbiruan sa programa ni Mr. Ted sa DZMM na almost two years na ring kasama si DJ Chacha ng MOR.

Parang kung di ka matsismis, aakalain mong sila nga pag narinig mo sila.

Anyway, Best wishes DJ Chacha na proof ang pagdating ng mara­ming bisita niya sa kasal na mahusay kang makisama. Kasi di ba kung hindi ka naman marunong maki­sama, iisnab-isnabin ka.

GMA News TV, tuloy ang paglipat sa channel 27

Tuloy na tuloy na nga ang pag­lipat ng GMA News TV sa bago nitong tahanan –sa Channel 27 sa free TV—simula ngayong June 4.

Para naman sa Mega Manila viewers na gumagamit ng digital TV box, dapat ay mag re-scan na ng digital box bago matapos ang June 3 para patuloy ninyong mapanood ang GMA at GMA News TV. Para mag-rescan, kailangan lang pindutin ang “Menu” at magpunta sa “Settings”. Sa “Installation,”  piliin ang “Factory Default” (password: 0-0-0-0). Piliin ang “Yes” upang kumpirmahin ang Factory Default”. Piliin naman ang “Auto Search” o “Auto Scan” at pindutin ang “OK”. Kapag lumabas na ang “Search Completed” sa TV screen, pindutin lang ang “OK” o “Exit” sa remote control at hanapin na ang GMA at GMA News TV. Hindi naman na kailangan magre-scan pa kung naka-cable o satellite connection ka.

vuukle comment

DJ CHACHA

GMA NEWS TV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with