^

PSN Showbiz

Aktor na may GF na aktres madalas pasyalan ang kinababaliwang bagong babae sa probinsiyang malapit sa Manila

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kailangang bantayan ng isang pamosong male personality ang kanyang mga kilos. Sa kanyang estado ngayon bilang kilalang-kilalang personalidad ay hindi na siya puwedeng itago sa kahon.

May mga pahimakas nang naglalabasan na may ibang babaeng pinagkakaabalahan ang lalaking personalidad. Ayos lang ‘yun kung wala siyang karelasyon pero hanggang sa buwan at araw ay lantad ang pagmamahalan nila ng isang young female personality.

Kuwento ng isang source, “Hindi rin siya maingat, e. Imagine, gumagawa siya ng milagro sa malapitan lang? Ang dali-dali pa naman niyang mabuking dahil sikat siya!

“Kumakawala rin siya sa cage, tumatakas, gumagawa ng sarili niyang lakad nang walang kaalam-alam ang girl kung ano ang pinaggagagawa niya,” buwena-manong kuwento ng aming impormante.

Mahigpit pala kasi ang young male personality sa kanyang girlfriend. Hindi niya ito puwedeng isama sa mga lakad niyang pangkalalakihan lang.

“Du’n siya nakalulusot. Hindi niya isinasama ang girl sa mga lakad niyang puro sila boys lang. Ano pa ba ang nangyayari kapag ganu’n? Tuksuhan lang sa una, hanggang sa magiging totohanan na?

“Mahina rin ang pang-amoy ng girl, e. Sobrang naniniwala siya na siya lang ang nag-iisa sa puso ng guy, na hindi siya puwedeng lokohin, pero may nagaganap na palang milagro!

“Sana, tinatanong din niya ang BF niya kung nasaan nu’ng nakaraang gabi? Hindi kaya ang lakad na sinasabi sa kanya ng guy na pang-boys lang, e, pang-girls pala? May mga sightings na tungkol sa guy sa isang hindi naman kalayuang probinsiya sa Manila, ha?

“Wala naman silang shooting, taping at show sa probinsiyang ‘yun, pero bakit nga ba nawiwiling magpunta du’n ang guy? Ano ba ang pinagkakaabalahan niya du’n?

“Sino ang pinupuntahan niya sa place na ‘yun, e, wala naman siyang trabaho du’n? Kapag bumabalik-balik ang paruparo sa bulaklak, aba naman, may milagrong nagaganap!

“Kailangang mag-ingat ng lalaking ‘yun, sa totoo lang, dahil marami nang nakakaalam ng mga kadramahan niyang pang-boys lang ang mga pinupuntahan niya.

“Totoong pang-boys nga lang, hindi niya dapat isinasama ang girlfriend niya, dahil mabubuking ang totoong ginagawa niya!” nakataas pa ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Gretchen nang-iinis lang!

Super-close ngayon ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto. Nu’ng nakaraang Miyerkules ay nagpunta pa si Claudine sa bahay nina Tony ‘Boy’ Cojuangco at Gretchen sa Forbes Park.

Nag-bonding lang sila. Maraming na-miss na kuwento ang magkapatid tungkol sa kani-kanilang buhay dahil matagal-tagal din silang nagkaroon ng distansiya sa isa’t isa.

Ngayon sila bumabawi. Araw-araw silang nagkukumustahan, kapag may libre silang oras ay lumalabas sila, kasama ang kanilang mga anak.

Minsan pang pinatuna-yan ng magkapatid na laban kaninuman ay iisa lang sila dahil isang sinapupunan lang naman ang kanilang pinanggalingan. Tinutulu-ngan ni Gretchen si Claudine sa lahat ng aspeto.

Dahil siya naman ang mas nakaririwasa ay hindi pinagdadamutan ng tulong ni Gretchen ang kanilang bunso. Hindi niya lang ‘yun ipinagmamakaingay pero aminado si Claudine na napakalaki ng utang na loob na dapat nitong tanawin sa kanyang ate.

Gusto nga palang linawin ng aming source na biro lang ni Gretchen ang ginanap na party kamakailan kung saan sinabi niyang thanksgiving party ‘yun para sa pagkakabasura ng kasong isinampa ni Kris Aquino laban kay Nicko Falcis.

“Saan ka naman makakakita ng thanksgi­ving party na wala namang alam ‘yung taong pinagbibigyan niya ng party? Wala ang mga Falcis du’n, mga friends lang niya, biro lang ni Gretchen ‘yung ipinost niya na thanksgiving party ‘yun para kay Nicko!” madiing sabi ng aming source.

Pang-inis, puwede pa, di ba naman? May gusto lang inisin si Gretchen. At sabi nga, ang mapikon, talo!

vuukle comment

GRETCHEN AND CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with