^

PSN Showbiz

Pagkapanalo ni Karen, pinagbibintangan hometown decision!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Congratulations kay Karen Gallman, ang kauna-unahang kandidata ng bansa na nagwaging Miss Intercontinental 2018.

May mga nagsasabing hometown decision, pero mas marami naman ang nagsasabing deserved ni Karen ang titulo.

Kahit mga co-candidates niya ay masaya sa pagkapanalo ni Karen.

Nilinaw din ng mga bumuo ng Miss Intercontinental na dito lang ini-stage ang competition pero ang Miss Intercontinental Japan naman ang nag-produce.

Bilang Miss Intercontinental 2018, gustong tumulong ni Karen sa pag-promote ng Edukasyon lalo na sa mga third-world countries.

Sabi niya pagkatapos ng Coronation niya na ginanap sa SM MOA Arena nung kamakalawa ng gabi, “I would like to focus on my advocacy which is education—compulsary education—sa rural parts sa Philippines.

“Hopefully, I can make a change, and difference in the upcoming year.”

Impressive ang line up ng mga kandidata lalo na galing sa Europe at North American countries.

First runner-up ang kandidata ng Costa Rica na si Adriana Moya at second runner up si Laura Longaurova ng Slovak Republic.

Kasama rin sa runners-up ang mga kandidata ng Colombia na si Hillary Hollman, Ngen Anh Le Au ng Vietnam at Bella Lapso ng Ethiopia.

Na-enjoy ng mga kandidata ang halos tatlong linggong pamamalagi nila sa Pilipinas at karamihan sa kanila ay natuwa sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Pinoy.

Suportado si Karen ng pamilya niya at ang kanyang fiancé.

Sabi ni Karen, kahit engaged na sila ng kanyang boyfriend, priority daw niya ang commitment niya sa Binibining Pilipinas, at lalo na itong bagong koronang Miss Intercontinental na ipinutong sa kanya.

Ice at Liza, blue eyes ang magiging anak!

Nakausap namin ang FDCP Chairperson Liza Diño kahapon at masaya siya dahil successful nga raw ang pag-harvest nila ng eggs ni Ice Seguerra para sa pi­nag­ha­handaan nilang magkaroon ng baby.

Noon pa man ay na-discuss na ng mag-asawa ang balak nilang magka-baby na kung saan si Liza ang magbubuntis ng eggs ni Ice at kukuha sila ng sperm donor, na ang type raw ni Ice ay foreigner para maganda, matangkad, at blue eyes daw sana na magiging baby nila.

Thankful sina Ice at Liza dahil nakakuha pa sila ng eggs mula sa singer.

“Nagulat nga sila kay Ice na at his age tamad na talaga mag-produce ng eggs ang ovaries niya.

“Pero sinabi ng doktor na mabuti na nagawa na namin ngayon, kasi kung hindi baka mas mahirapan makahanap ng good eggs. Kasi ang ibang tao nga naghahanap talaga sila ng egg donor,” pahayag ni Liza nang nakausap ko siya sa telepono kahapon ng umaga.

Ngayon ay nasa first step na sila na kung saan nakakuha na sila ng eggs kay Ice at meron na rin pala silang napiling sperm na ipe-fertilize para iyun ang ipagbubuntis niya.

Sa Amerika raw sila nakakuha ng sperm donor, pero ayaw na nilang i-reveal ang pagkatao ng may-ari ng sperm pagkatapos daw nilang alamin ang background nito.

“It’s a Cryo Bank in California,” pakli ni Liza nang tinanong ko kung saan sila nakakuha ng sperm.

“Para siyang sperm bank pero puwede kang mamili ng sperm donor, tapos may profile yun parang ganun… may pictures, makikita mo yung parang history.

“Eto, kami ni Ice nakahanap na kami ng donor na magpi-fertilize ng egg niya.

“Mabuti na lang makakapamili ka kung sino ang gusto mo,” pahayag ni Liza.

Ipinaliwanag din niya kung ano ang proseso pagkatapos nakakuha ng eggs kay Ice, saka nakapili ng sperm donor.

Saka baka December pa raw gusto niyang magpa-implant dahil magiging abala siya ngayon sa paghahanda ng Pista ng Pelikulang Pilipino na makakasabay sa pagsisimula ng pagdiriwang ng 100 Years of Philippine Cinema.

“Parang i-implant sa akin tong fertilized embryo na kumbaga…siyempre bawat stage nito parang ano siya eh. Kaya nga sabi ko sa ‘yo important sa amin yung first stage kasi kahit yun puwedeng hindi ma­ging successful yun eh. Puwede talagang walang mag-grow na baka hindi lumaki ang eggs, the fact na merong nakuha from Ice, is already a big step.”

Ang anak lang daw niyang si Amara ang medyo nalungkot nang nalaman niyang sa December pa niya gustong mabuntis dahil sobrang excited na raw itong magkaroon ng kapatid.

Sinundan na rin namin ng tanong si Liza kung mahal ba itong proseso na ginawa nila para mabuntis.

“Alam mo hindi siya masyadong mabigat. Itong first process namin, actually puwede mo siyang ma-avail between 250 to 400 thousand pesos, pero kay Ice umabot siya ng mga 300K so, kayang-kaya pa. Lalo ngayon sa mga gig ni Ice, parang nakaka-survive na kami.

“Sa next stage niya ayun panibagong bayad naman siya.

“Hindi katulad before yung mga in-inquire namin sa ibang bansa, talagang full na kailangan meron kaming 1.5M agad o 1M ganyan. So, medyo hindi rea­listic sa amin,” pahayag ni Liza.

vuukle comment

KAREN GALLMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with