^

PSN Showbiz

Luigi proud sa asawa’t anak

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Luigi proud sa asawa�t anak
Luigi

Nasapol ng sipa ni Luigi Revilla ang mukha ng actor/singer na si Markki Stroem sa isang eksena ng episode na Amat ng trilogy movie na Tres.

Kuwento ni Luigi kahapon sa kanyang solo presscon, akala nila ay acting lang ang nangyari kay Markki at pinuri pa nga nila dahil nga natural ang dating. ‘Yun pala nasapol ang singer/actor at napuruhan ang ngipin kaya the following day ay natanggal na nga. Buti na lang nga daw at hindi front teeth ang natanggal.

Nag-usap naman sila pagkatapos at ok naman.

At extra lang si Markki ha as in one shooting day at hindi naman siya kasama sa buong pelikula.

Martial Arts expert si Luigi kaya naman walang effort ang mga eksena niya sa Amat.

Ang dalawa pang episode sa pelikula ay ang 72 Hours na pinagbibidahan ni Jolo Revilla at Virgo starring Bryan Revilla.

Ang daddy nilang si former senator Bong Revilla ang may idea na pagsamahin silang magkakapatid.

Tanggap na tanggap nina Bryan at Jolo si Luigi kahit na nga magkaiba ang nanay nila. Mismong si Luigi ang nagkuwento, nag-start ang lahat sa wake ng kanilang Lola Azucena (wife ni Sen. Bong Revilla Sr.). Niyakap daw agad siya ng mga kapatid sa ama at since then, every Sunday ay nagba-bonding na sila.

Bumilib daw siya sa kanyang Tita Lani Mercado na tinanggap siya. “Naiintindihan ko po na mahirap sa kanya, pero tinanggap niya ako. Kaya thankful po ako sa kanila,” sabi ni Luigi.

Married na ang comebacking actor na bata nang mapanood sa pelikula.

Twenty four years old lang siya nang magkaanak sa wife niya. “Family oriented ako, gusto ko laging kasama ang pamilya ko,” kuwento pa niya na almost two-year-old na ang anak.

Actually, nung bata hindi niya option ang showbiz. Kahit na nga sabihin pang apo siya ng Agimat King na si Ramon Revilla Sr.

“I had other priorities in my younger years, foremost is to finish a college course.

“Sayang kasi, because I was sent by my parents to very good and exclusive school,” pag-alala pa ni Luigi.

He finished both elementary and high school sa Ateneo de Manila University. At ngayon nga ay degree holder siya ng Entrepreneurship sa Enderrun College.

Pagka-graduate sana ay magbubukas siya ng small business pero ayun nga, kinausap siya ng kanyang dad na gawin muna nilang  magkakapatid ang Tres na comeback project movie making ng Imus Productions.

Leading ladies sa Amat sina Assunta de Rossi and Myrtle Sarrosa under the direction of Dondon Santos.

Si Direk Dondon din ang humawak ng 72 Hours ni Jolo at si Direk Richard Somes ang humawak ng Virgo ni Bryan.

Showing na ang Tres sa October 3. Ang Star Cinema ang distributor nito.

vuukle comment

LUIGI REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with