^

PSN Showbiz

Sexy star sugapa sa alak!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nag-aalala ang mga nagmamalasakit at nagmamahal na kaibigan at katrabaho ng isang sexy female personality na baka kung ano ang mangyari sa kanya isang araw. Malakas uminom ang babaeng personalidad.

Party animal ang tawag niya mismo sa kanyang sarili, umiinom siya na parang wala nang bukas, mamam siya nang mamam na parang ‘yun na ang pinakahuling araw na mabubuhay siya sa mundong ibabaw.

Kuwento ng aming source, “Mahilig siyang mag-party, laman siya ng kung anu-anong bar, marami siyang female friends na tulad niyang mahilig din uminom nang sobra-sobra hanggang sa bumagsak na sila.

“Aminado ang girl na kung minsan, e, nagigising na lang siyang nakadukdok sa table, nag-iisa na lang siya, nag-uwian na ang kanyang mga kainuman.

“E, sa kaseksihan nga naman niyang ‘yun, e, baka may kung sinong bigla na lang siyang dalhin sa kung saan para pagsamantalahan. O baka nga kapag minalas-malas pa siya, e, patayin siya ng sira-ulong magkakaisip ng kahayupan!” simulang kuwento ng nag-aalala naming source.

Kailangang magbago na sa kanyang nakasanayan ang kilalang female personality habang maaga pa. Habang wala pang nangyayari sa kanya. Baka isang araw kasi ay siya na ang maging balita sa halip na siya ang naghahatid ng mga balita sa ating mga kababayan.

“Kung ang iba ngang sugapa na sa alak, e, nakapagbabago, siya pa kaya ang hindi makaiiwas sa pag-inom? Kaya niya namang gawin ‘yun, ayaw pa lang siguro niya, hindi pa siya handa.

“Nakakahiya ang nangyayari sa kanya dahil sa sobrang pagiging wasted na sa pag-inom, e, siya na ang nagsasarado ng bar na pinupuntahan niya. Pasalamat siya dahil kilala siya, may nagmamalasakit na maghatid sa kanya, paano kung wala?

“Naku, kailangan na niyang magbagong-buhay, kababaeng tao pa naman niya, pero laklak siya nang laklak, kinakabog pa niya ang mga kalalakihan sa pagmamam niya!

“Suwerte talaga siya dahil walang masamang nangyayari sa kanya. Ang damit pa naman niya, e, wala pa yatang kalahating yarda sa sobrang igsi! Malalaki pa ang boobs niya!

“Naku, baka isang araw, e, siya na ang maging balita sa programang tinututukan ng buong bayan. Magbago na siya, tantanan na niya ang pag-inom, para maligtas siya sa kapahamakan!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mystica todo ang pagsisisi 

Nagsusumamo na ang tinaguriang Split Queen na si Mystica para maging bahagi siya ng matagumpay na ser­yeng Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Kilalang-kilala ang magaling na aktor sa pagbibigay ng trabaho sa mga artistang matagal nang nagpapahinga, itinuturing itong ninong ng mga personalidad na kapos na kapos sa buhay, kaya ganu’n na lang ang panawagan ni Mystica na sana’y bigyan din siya ng pagkakataon na maging artista ng serye.

Panay-panay rin ang pagsisisi ngayon ni Mystica sa mga nakaraan niyang pasabog na sa halip na makatulong sa kanyang pagbabalik ay nakasira pa nga sa kanya.

Tama bang mag-post siya ng video kung saan pinagmumumura niya ang Pangulong Rodrigo Duterte? Tama bang away-awayin niya ang kanyang mga kapitbahay nang wala namang malalim na dahilan?

Heto na naman ang halimbawa ng isang personalidad na binigyan na ng kapalaran ng tsansang makilala at magkaroon ng mga biyaya pero hindi iningatan. Akala kasi ng mga artista ay wala nang katapusan ang pamamayagpag nila, ang pag-agos ng mga biyaya, kaya nagpabaya.

Nagtitinda na lang ngayon ng pritong manok si Mystica, isang marangal na trabaho, pero nakalulungkot isipin na mangyayari pala sa kanya ang ganito.

Wala pa kaming balita kung mapapasama nga si Mystica sa Ang Probinsyano, tulad ng nangyari kay CJ Ramos na ipinatawag agad ni Coco Martin, sana nga ay mabigyan siya ng pagkakataon para makabawi-bawi naman si Mystica sa kanyang sumemplang na karera.

Walang pagsisisi sa una, palaging nasa bandang huli, ‘yun ang natutuhan ni Mystica na nagtrabaho sa ibang bansa bilang lap dancer bago siya nakilala dito sa atin.

vuukle comment

MYSTICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with