^

PSN Showbiz

Elizabeth umamin sa pagnanakaw

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Elizabeth umamin sa pagnanakaw
Elizabeth

PIK: Mamayang gabi pagkatapos ng  24 Oras Weekend na magsisimula ang Amazing Earth na ihu-host ni Dingdong Dantes.

Ilang staff ng programa ang nakatsikahan namin at pawang positive feedback ang naririnig namin sa kanila pagdating sa professionalism ng Kapuso Primetime King.

Sa Batangas pa lang nakapag-shoot ang aktor pero willing naman daw itong puntahan ang ilan pang lugar sa bansa para mag-shoot.

Iniisip kasi nila baka ayaw lang daw ni Dingdong na mapalayo sa pamilya niya lalo na’t hands on talaga sila sa pagbabantay kay Zia.

Okay naman daw basta huwag lang matagalan. Baka sa susunod ay sa Batanes daw sila mag-shoot at gusto i-explore iyun ni Dingdong.

Kahapon ay nakikita sa Instagram na ginalugad nila nina Marian (Rivera) kasama si Zia ang Underground River sa Palawan. Doon nila ipinagdiwang ang Father’s Day para kay Dingdong.

PAK: Marami ang nakapansin na nag-isnaban sina JC Santos at Sandino Martin sa nakaraang Gawad Urian.

Ilang staff sa naturang awards night na nakasabay nila sa backstage ang nagkuwentong hindi raw talaga sila nagpansinan.

Nagkasama ang dalawang magaling na aktor sa isang indie film na Esprit De Corps na kung saan nagkalaplapan pa sila roon. Pero ngayon ay deadmahan na. Bakit kaya?

BOOM: Hindi naman ngayon nag-isnaban sina Elizabeth Oropesa at Azenith Briones dahil nagka­ayos na sila kamaka­lawa lang ng hapon.

Nagpa-presscon pa nung tanghali si Azenith para sagutin ang mga akusasyon sa kanya ni Elizabeth, pero pagkatapos ng presscon na yun, nagkausap ang dalawa sa telepono at nagkalinawan.

Humingi ng sorry si Elizabeth sa ginawa niya na hindi naman daw talaga tama yung pagkuha niya ng alahas niya sa bag ni Azenith na wala man lang pasabi.

Kinagabihan ay nakausap namin ang magkaibigan sa radio program naming Showbiz Talk Ga­nern sa DZRH at muli silang nagkausap at nagkaayos na.

Sabi ni Elizabeth; “I really made a mistake. Inamin ko naman yun.

“Nag-sorry uli ako kanina sa phone.

“I never had any problems with regards to apologizing because I really made a mistake pagdating dun sa part na yun.

“Dapat kasi hinarap ko na lang siya, kinausap ko na lang siya nang hindi ko na kinukuha yung alahas ko. Eh talaga namang napikon-pikon lang ako dun. Eh talagang mali ako dun.

“Ayoko naman umabot sa demandahan of course. Ayoko naman ng ganun, and from the very beginning wala akong intensyon na palakihin kasi masyadong maraming problema ang bansa, malalaking tao. Sino ba naman kaming dalawa para maging napakalaking isyu ito.

“I’m really sorry. I did not mean to do it. But I’ve done it and I’m not gonna do it again. Ang pangit.”

Saad naman ni Azenith; “Ito siguro ang tama na mag-usap kami.

Sa akin wala na yun. Ang Panginoong Diyos nagpapatawad di ba?

“Ang gusto ko lang maging maayos kami, huwag kaming magpapasulsol kahit kanino.

“Salamat sa Panginoon na nagkausap kami.”

vuukle comment

ELIZABETH OROPESA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with