^

PSN Showbiz

Patrick, gagawin ang lahat mabawi lang ang anak...

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa laban para sa kustodiya ng anak, palagi bang ang ina ang nagwawagi? Paano kapag ang ama ang mas karapat-dapat at mas may pag-aaruga sa bata?

 Ito ang bubusisiing kaso nina Atty. Jose at Jopet Sison ngayong Sabado (April 29) sa hit-legal drama ng ABS-CBN  Ipaglaban Mo.

Si Danny (Patrick Garcia) ay, isang mapagmahal na tatay at tapat na asawa kay Roxanne (Danita Paner). Noong una ay maayos silang nagsasama at naninirahan sa US ngunit matutuklasan ni Danny na kalaguyo ni Ro­xanne ang isa niyang ka-trabaho. Lalala pa ang kanilang hidwaan ng malaman niyang sinasaktan pa ng babae ang kanilang mga anak.

Sumabog na ng tuluyan si Danny nang sumambulat sa kanya ang katotohanang kasal na pala si Roxanne sa iba.

Makikipaghiwalay siya sa asawa at iuuwi ang mga bata sa Pilipinas, ngunit ilalaban ni Roxanne ang kanyang karapatan sa mga anak.

Mababawi pa kaya ni Danny ang mga anak? O mas papaboran korte si Roxanne bilang ina?

Sa mga hindi makakanood ngayong Sabado, mapapanood na rin ang mga nakaraang episodes ng Ipaglaban Mo sa DZMM Teleradyo (Ch.26) tuwing Miyerkules.

 

vuukle comment

JOPET SISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with