^

PSN Showbiz

‘Di nga raw niya kilala Joey hindi naniniwalang seryoso si Mark kay Winwyn!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa alam ni Alma Moreno kung ano ang patakaran sa pakikipagrelasyon ng kanyang mga anak, pero si Joey Marquez ay nire-require ang mga ito na ipakilala sa kanya ang mga karelasyon nila kapag seryoso na sila. Inamin ni Winwyn Marquez na hindi pa nito nadadala si Mark Herras sa kanyang bahay para makilala niya ito. Clueless siya kung totoo nga ang nababalitaan niyang pagkakamabutihan ng dalawa. At hindi pa siya (Joey) naniniwala sa mga nababalitaan niyang altar-bound na ang dalawa dahil nga hindi pa niya nakikilala nang lubusan si Mark. “Hindi naman ako nakikialam kung kanino man magkagusto ang mga anak ko. Nasa hustong gulang na sila para magpasya tungkol dito. Pero alam nila na gusto ko munang makilala ang mga karelasyon nila bago sila magsipag-asawa at the fact na hindi pa niya ipinakikilala sa akin si Mark ay nangangahulugan lamang na hindi pa sila ganun kaseryoso. Mas maniniwala ako kapag nagkaharap-harap na kaming tatlo,” pagkaklaro niya.

Janella gumanda

Ang laki ng iginanda ni Janella Salvador. Pinaniniwalaan ng lahat na dulot ito ng gumagandang relasyon nila ni Elmo Magalona.

Ang maganda sa bago nilang pagpapareha ay wala naman silang inaamin na relasyon. Sorry na lang si Janine Gutierrez na iniwan ni Elmo sa GMA. ‘Yun ang price na dapat nilang pagbayarang magdyowa para sa kanilang trabaho.

In fairness to Elmo, namintina niya ang kanyang pagiging maginoo dahil hindi niya sinasamantala ang pagkakataon na magkaroon ng ka-loveteam at the expense of Janine. Wala rin namang inaamin si Janella, pero ang patuloy na pagganda niya ay itinutu­ring na senyales na pagganda ng kanilang relasyon ni Elmo. Mabuti na lamang na in the process ay hindi napag-iiwanan si Janine.

Bukod sa in demand ito sa mga in­die film ay kinuha pang kapalit ni Iya Villania sa 24 Oras na napapa­ngatawanan naman niya. Walang ma­kapagsasabing naiwan siya sa kangkungan ng boyfriend niya. Hindi rin naman mapagbibintangan si Janella na nang-agaw ng lalaki. Sa ipinamamalas niyang ganda na sinasabi ng lahat ay dulot ng self confidence, hindi lang si Elmo ang mararahuyo sa kanya. Maganda ang partnership nila sa Born For You, may chemistry sila.

JC biglang sikat sa JaDine

Mabilis ang pagsikat ni JC Santos. Salamat sa Till I Met You. Akala ng manonood ay magiging kontrabida siya nina James Reid at Nadine Lustre ngunit hindi pala. Sa halip, parang si James pa ang lumalabas na kontrabida nila ni Nadine. Siguro nga duma­ting na ang panahon para sa theater actor. Ibig sabihin lang may bentahe siya sa maraming sumusubok sa industriya. Bukod sa may mukha siya, marunong pa siyang kumanta’t sumayaw.

Simula pa lang ng stint niya sa TIMY, pero nakita nang marunong pala siyang umarte. Malaki pa ang paglalagyan sa kanya sa showbiz. Suwerte rin niya dahil sa JaDine siya napasabak ng artehan. Mas madali siyang makikilala.

Jiro at JM nakawala na sa droga?

Hindi tama ‘yung maraming hiling ng mga kapwa nila atista na huwag munang pangalanan ang mga artistang adik. Unfair nga naman ito sa maraming kilala rin at mas nauna nang binigyan ng pangalan at mukha, lalo na ‘yung nasabit lamang at napagkamalan.

Sina Jiro Manio at JM de Guzman ay pinatawad na at handang tanggaping muli ng publiko. Pero sa kanila na rin nagmula ang pagtalikod sa magandang reaksyon sa kanilang pagbabalik.

Ang pagsuko ng mga may bisyo sa drugs ay isang magandang senyales ng pagbabago para sa kanila. Kailangan lamang ay merong umalalay sa kanila para hindi sila malihis muli ng landas. Maiintindihan ng lahat kung bakit sila nalulong sa drugs, pero ang manatili sa bisyo at hindi magbago ay mahirap nang intindihin.

Sofia at Diego namimiligro ang ‘relasyon’

Pangungunahan ng sinasabing magdyowa na sina Sofia Andres at Diego Loyzaga ang episode mamayang gabi ng Maalaala Mo Kaya. Bibigyan buhay nila ang kuwento ng dalawang matalik na magkaibigang hindi inakalang sila pala ang nakatadhana para sa isa’t isa.

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Roselle (Sofia) at Jerome (Diego) noong nasa high school pa sila. Pansin ng lahat ang kakaiba nilang pagsasama kung kaya’t madalas silang kinakantyawan o binu­buyo ng mga kaibigan. Lilipas ang panahon at magkakaroon si Roselle ng boyfriend na hindi sang-ayon sa closeness na namamagitan sa kanila ni Jerome.

Ano ang gagawin ni Roselle? Pipiliin niya bang layuan si Jerome para mapanatag ang kasintahan? Ipaglalaban ba ni Jerome ang pagkakaibigan nila ni Roselle?

vuukle comment

DAVAO BOMBING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with