^

PSN Showbiz

Vice Ganda lalaswain si Baste!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Tama lang na sa Gandang Gabi Vice mabigyan ng karampatang exposure si Baste Duterte dahil maraming mapipiga sa kanya ang comedian/host.

Bale pagsasauli lang ito ng pamilya sa kagandahang loob ng TV host dahil hindi siya nakapag-perform sa inaugural show ni incoming President Rodrigo Duterte sa Davao dahil nagkoroon dito ng technical problems.

Maganda at expected ng madla na mailayo ang bagong pangulo sa mga hindi kagandahang imahe ng maraming babae na umeepal sa kanya.

Mas maganda ang imahe na nakikita ng mga tao sa mga anak ni Duterte kaysa sa bagong halal nilang ama. At mas mapapaganda pa ng mga anak ang imahe ng ama kapag nakilala pa nila ito sa pamamagitan ng kanyang mga anak.

Randy at Rowell niraraket ang show ni Willie

Sold ang magkapatid na Santiago, sina Randy at Rowell sa pagtulong para mas mapaganda pa ang game show ni Willie Revillame sa GMA na Wowowin. Kapag hindi makaya ni Randy ang pagdidirek ng Wowowin ay ang concert director na si Rowell ang gumagawa ng kanyang trabaho.

Si Randy din kasi ang napisil para maging direktor ng bagong palabas ng Kapuso network na A1 Ko Sa ‘Yo na nagtatampok kina Jaclyn Jose, Gardo Versoza at Solenn Heussaff. Malapit na kaibigan din ni Willie si Rowell kaya hindi nito aayawan ang pagdidirek ng game show kahit kapalit lang ni Randy.

Robin at Ipe nag-uunahan sa buhay ni DU30

Baka rin makauna si ER Ejercito sa maraming nag-uunahan na magawa ang biopic ng bagong halal na Duterte sa pagka-pangulo.

Bukod sa pagiging dating gobernador ng Laguna, interesado rin na maisalin kundi man sa pelikula ay sa TV ang buhay ni president Duterte nina Phillip Salvador at Robin Padilla. At pare-pareho silang mga taga-suporta ng matagal nang mayor ng Davao. Sana lang ay makapaghintay pa na mabigyan ng pagkakataon na maisalin sa screen ang buhay ni Duterte ng matagal-tagal pa, kapag lubos nang kilala ng mga tao ang bago nilang pangulo.

Serye ng OTJ ni Erik Matti mapapanood sa maraming bansa

Gagawin nang isang serye sa TV ang On The Job na pelikula ni Erik Matti na nagbigay sa kanya ng awards  sa  maraming local at international film festival na sinalihan nito.

Balak gawing isang six-part mini series ang OTJ sa Pilipinas, Indonesia, India at Thailand na may ibang cast at creative  team mula sa mga kapatid nating bansa sa Asya. Ang orihinal na mga artistang lumabas dito ay sina Gerald Anderson, Joel Torre, Piolo Pascual, at Joey Marquez at pinagtulungang gawin ng Reality Entertainment at Star Cinema.

Kapuso kaabang-abang ang mga bagong show

Inilunsad na ng Kapuso network ang line-up nila para sa kanilang ika-66 na anibersaryo. Pinangungunahan ito ng 2016 Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose kasama sina Gardo Versoza, Sef Cadayona, Benjamin Alves, Roi Vinzon, Ervic Vijandre, Denise Barbacena, Gee Canlas, Mara Alberto at Solenn Heussaff.  Ito ang Ai Ko Sa’Yo  ni Randy Santiago.

Mapapanood na rin ang Conan My Beautician, na kung saan ay isang beki ang role ni Mark Herras kasama ang 2013 Ms. World Megan Young.

Airing na sa June 27 ang Sa Piling Ni Nanay, ni Mark Herras pa rin with , Yasmien Kurdi and Katrina Halili. Set to bring Kapuso viewers a funny twist to an extraordinary story of family, love and life is the new comedy series Hay, Bahay! with Vic Sotto and AiAi delas Alas.

Kaabang-abang din ang requel ng Encantadia.  Ang  Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose ang kakanta  ng anniversary theme song  na Buhos ng PaGMAmahal na sinulat ni  Jon Fulgencio at komposisyon ni Simon Peter Tan.

vuukle comment

SOCIAL SECURITY SYSTEM

SSS PENSION HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with