^

PSN Showbiz

Sharon magbi-birthday sa ASAP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang Mega birthday celebration ang mapapanood nga­yong Linggo (Jan. 17) sa pagdiriwang ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta ng kanyang kaarawan sa ASAP.

Tunghayan ang natatanging pagbibigay pugay sa musika ni Sharon ng pinakamahuhusay na OPM icons at pinakamaiinit na Kapamilya stars.

Pakinggan din ang nakaaantig na mga kwento sa buhay ni Mega mula mismo sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Samantala, isang tribute naman ang iaalay sa yumaong rock icon na si David Bowie nina Arnel Pineda, Rico Blanco, at Sarah Geronimo.

Back-to-back birthday treats naman ang handog ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga at UItimate Heartthrob na si Piolo Pascual.

Hindi pa riyan nagtatapos ang mga pasabog dahil makakasama rin sa Linggo ang all-star cast ng pinakabagong serye na Be My Lady sa pangunguna ng real-life couple Daniel Matsunaga at Erich Gonzales.

Magpapakilig din ang Kapamilya loveteams na sina Jairus at Sharlene, Grae at Andrea, Joshua at Loisa, Inigo at Miles, Kenzo at Julia, Albie at Ysabel, at Elmo at Janella.

Meron ding bagong segment si Sarah Geronimo na ASAP Pinoy Playlist.

vuukle comment

ANG

ARNEL PINEDA

BE MY LADY

DANIEL MATSUNAGA

DAVID BOWIE

ERICH GONZALES

ISANG MEGA

KAPAMILYA

LINGGO

MEGASTAR SHARON CUNETA

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with