^

PSN Showbiz

Kris at AiAi pinalitan ng tatlo!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Napakahirap marahil ng trabaho nina Kris Aquino at AiAi delas Alas sa magsisimula mu­ling reality show ng ABS-CBN na Pilipinas Got Ta­lent dahil sa kawalan nilang dalawa sa sea­son 5 ng show bilang host, tatlo ang kina­ilangang maging kapalit nila para ma­ka­sama ng original host na si Freddie M. Gar­cia. Ito ay sina Angel Loc­sin, Ro­bin Padilla, at Vice Ganda.

Mukha ngang kinakailangang mas mag-effort ang contestants ngayon da­hil mas mahigpit ang mga huhusga sa kanila. Kung sabagay, muk­hang mas determined pa ang apat na mapatunayan ang ka­nilang kahalagahan sa programa dahil magagan­da ang mga naging produkto ng nakaraang PGT.

Malaki ang expectation ng publiko sa show dahil sa accomplishments ng mga produkto nito sa ibang bansa. We need more El Gamma Penumbra & Ger­phil Flores to prove the effectivity of the show.

Wish I May, malakas ang pressure

Talagang malaking pressure para kina Miguel Tanfelix at Bianca Umali ang maging star ng ba­gong serye na makakapalit ng The Half Sisters. Ang papalitan nilang programa ay naging sobrang ma­tagumpay kung kaya umabot ito ng mahigit isang taon sa ere.

Marami ang nagsasabi na ang kasikatan ng THS ay bu­nga ng napakakontrobersyal na tema nito tungkol sa isang kam­­­bal na isinilang ng isang ina, pero may dalawang ama. Never heard nga naman ito ng maraming manonood kaya ina­lam nila hanggang sa huli ang kinahantungan ng kambal.

Isa pa ring medical condition ang tatalakayin sa serye nina Miguel at Bianca na Wish I May. Ito ang chimerism kung saan ang isang tao ay puwedeng magkaro’n ng dalawang set ng magkaibang DNA.

Sa January 18 na ito palabas sa GMA, sa direksyon ni Neal del Rosario.

Alex namimili kina John Lloyd, Luis at Piolo

Napakasuwerte nitong si Alex Gonzaga! Hindi na rin siya nagpapahuli sa kanyang ate Toni sa pagpapakita ng maraming talento. Bukod sa pagiging isang artista, host, at singer, isa na rin siyang writer. Mayroon siyang isinulat na nobela na ginawang libro at ngayon ay balak gawing pelikula ng Star Cinema. Ito ang Dear Cathy, Break Na Kami. Paano?

Si Antoinette Jadaone ang pinagagawa ng script ng movie.

Tatlo ang pinagpipilian ni Alex para maging lea­ding man niya sa Dear Cathy -- sina John Lloyd Cruz, Luis Manzano, at Piolo Pascual. Sino ang ma­kapagsasabi na baka kapag either kina John Lloyd at Piolo ang mapili ay baka magsimula ng isang seryosong career para kay Alex.

Pastillas Girl walang karapatang maghinanakit sa Kapamilya

Wala namang kumokontra sa sinasabi ni Angelica Yap aka Pastillas Girl na kinuha siya ng It’s Showtime bilang pambala sa kalaban. Nakakalungkot nga lamang na bagaman at nakatulong siya sa show ay hindi nagawang ma-sustain ng istasyon ang kanyang popularidad.

Marami nga ang nagtaka kung bakit maaga siyang sinukuan ng istas­yon. At hindi naman ito sikreto, batid ng lahat ang katotohanan ng kanyang discovery.

Ngayong nasa Viva na siya at kasama na sa TV5, sana ay huwag na niyang siraan pa ang programa o istasyong dumiskubre sa kanya. Bilog ang mundo at patuloy ang pag-ikot nito.

‘Di siya nakasisiguro kung ano ang ihahatid sa kanya ng bukas. Huwag mong isara agad ang iyong pinto!

vuukle comment

ACIRC

ALEX

ALEX GONZAGA

ANG

ANGEL LOC

DEAR CATHY

ITO

JOHN LLOYD

PASTILLAS GIRL

SHY

WISH I MAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with