KC at Richard malamang magsama sa TV5?!
Marami pa palang fans ang tambalan nina Richard Gutierrez at KC Concepcion at nakakita sila ng pag-asa na puwede pa ring magkatrabaho ang dalawa dahil nasa TV5 na ang aktor at walang regular show sa ABS-CBN ngayon ang dalaga.
Si Mr. Vic del Rosario na ang manager nina Richard at KC at kayang-kaya nitong isama sa cast ng Panday ang singer-actress. Ang problema lang, may kontrata yata sa ABS-CBN si KC at nabanggit ni boss Vic na ang Viva talents na may kontrata sa Kapamilya Network at GMA 7 ay hindi niya gagalawin at aalisin para ilipat sa TV5.
Nag-post si KC ng picture nila ni Richard sa kanyang Instagram (IG) at ang ganda ng caption na, “Hiii from my first ever leading man & co-presenter for the night (MMFF awards night). #TakesGutz to speak up for equal support for Filipino film.”
Iisa ang sinabi ng fans, bagay na bagay pa rin ang dalawa at may chemistry. Sayang kung hindi masusundan ang mga pelikula nilang For The First Time at When I Met You. Movie at teleserye ang request ng fans at malaki ang posibilidad na mangyari ito.
Pinagagawang bahay na may limang kuwarto ni Alden, matatapos na
Birthday ngayong araw ni Alden Richards at masaya nitong ipagdiriwang ang kanyang 24th birthday dahil humataw nang husto ang career niya noong nakaraang taon. Kasama rito ang paghataw sa takilya ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na My Bebe Love na showing pa rin hanggang ngayon.
Isa sa biggest achievement ni Alden ay ang malapit nang matapos na five-bedroom house na binili niya para sa kanyang pamilya. Naalala namin ang sinabi nitong kaya gusto niya ng mas malaking bahay ay para may space at nakaka-move freely ang kanyang grandparents.
Hopefully, ma-maintain ng aktor ang magandang takbo ng career ngayong 2016 at sa mga darating pang taon.
Siguro naman ay may birthday celebration sa Eat Bulaga si Alden at mas lalo itong matutuwa kung tinotoo ni Maine Mendoza ang sinabi sa isang interview na ika-cut short niya ang bakasyon sa Japan para nasa bansa siya sa birthday ng ka-love team.
Anyway, pagpasok ng bagong taon, ang fans sa ibang bansa naman ang ime-meet ni Alden kasama ang GMA Pinoy TV. Sa January 7, may Alden Live in Dubai siya na gagawin sa Dubai Tennis Stadium at sa Jan. 7, nasa Qatar National Convention Center siya para sa Yaya’s Bae goes to Qatar.
Sa France raw ang church wedding Solenn hindi pakakasal sa ‘Pinas?!
Civil wedding pa lang ang naganap kina Solenn Heussaff at Nico Bolzicco sa Santa Fe, Argentina noong December 29 at susunod daw ang church wedding sa France. Argentinian ang husband ni Solenn at French naman ang TV host, kaya natural lang na sa dalawang bansa gawin ang kanilang kasal.
Wala pang balita kung may magaganap na wedding dito dahil Filipina ang mother ni Solenn. Pero maiintindihan naman siguro ng relatives sa mother side ni Solenn at friends nilang hindi naimbita sa civil wedding at sa gagawing church wedding sa France.
Pinanindigan ni Solenn at ng husband nito na tahimik ang magiging kasal nila dahil walang masyadong nakaalam nito. Although, naramdaman na ng followers ni Solenn sa Instagram (IG) na may mangyayaring something special nang i-post ni Solenn sa kanyang account ang picture nila ng kanyang parents aboard an airplane at sinabi nitong papunta sila ng Buenos Aires.
Clue rin sa followers/fans ni Solenn na pare-parehong nasa ibang bansa ang BFF niyang sina Anne Curtis, Isabelle Daza, at Georgina Wilson na mga BFF ni Solenn.
Uge sobrang na-touch kay John LLoyd
Matutuloy na rin sa wakas ang isa pang show ni Eugene Domingo sa GMA 7 na Dear Uge na ang pilot airing ay sa February 14. Kung hindi babaguhin ang unang concept, parang may letter galing sa viewer na babasahin si Eugene at doon iikot ang show, pero comedy pa rin ang treatment dito.
Samantala, sobrang na-touch si Eugene kay John Lloyd Cruz sa interview ni Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda nang tanungin kung sino ang gusto niyang makatrabaho. Sagot kasi ng magaling na aktor, si Eugene ang gusto niyang makatrabaho.
“It would be an honor Mr. Cruz! Thank you very much,” reaction ni Eugene.
Producer na rin si John Lloyd ngayon after ng Honor Thy Father, malaki ang posibilidad na magkatrabaho sila sa isang pelikula dahil dito. For sure, hindi magiging isyu sa kanila ang talent fee.
- Latest





















