^

PSN Showbiz

4th Impact kinapos sa suwerte

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Nakakalungkot talaga ang pagkatalo ng 4th Impact sa X Factor UK. Ang gagaling pa naman nila. Pero hindi lang naman galing ang basehan sa anumang uri ng paligsahan, malaki rin ang role ng suwerte. Hindi na­ging maswerte ang magkakapatid sa makatuwid.

The rest is up to them, pero pa­salamat sila sa pakontes dahil nakilala sila at naipamalas nila ang kanilang talento. Puwede na silang magsimula ng karera base sa naging stint nila sa X Factor UK.

Fans ni Maine masyadong mataas ang tingin sa idolo

Napakalaki naman ng expectation ng marami kay Maine Mendoza kaya naliliitan sila sa partisipasyon nito sa Princess In the Palace ni Ryzza Mae Dizon.

Hoy, huwag kayong ganyan huh! Huwag masyadong mataas ang lipad at baka kapag bumagsak ay ganun din katindi.

Mga bagong kainan kabi-kabila

Sa rami ng mga itinatayong kainan ngayon, hindi nakapagtataka kung balang araw ay mas dumami pa ito kaysa sa customers. Sa rami ba naman ng mga nagtatapos ng culinary course na mas gustong magtayo ng kanilang sariling restautant kaysa magtrabaho sa iba, eh ganito nga ang mangyayari at hindi malayong magbigay ng problema sa kanila.

vuukle comment

ACIRC

ANG

HUWAG

MAINE MENDOZA

MGA

NAKAKALUNGKOT

NAPAKALAKI

PERO

PRINCESS IN THE PALACE

RYZZA MAE DIZON

X FACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with