^

PSN Showbiz

Patay malisya sa mga parinig, aktor sinupalpal ang GF na nag-iilusyong magsuot ng damit pangkasal

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mukhang mabibigo na naman ang isang kilalang aktres sa kanyang pangarap na maiharap sa altar ang kanyang minamahal. Nasaktan na nu’n ang aktres, puro pangako lang na napako ang napala niya sa matagal nilang relasyon ng isang hunk actor, nagkahiwalay sila nang bigung-bigo ang aktres.

Pagkatapos ng ilang buwan ay nagkalapit ang kalooban nila ng isang pamosong aktor, nagmahalan sila, kaya muling nabuhay ang pag-asa ng aktres na baka ito na ang magiging katuparan ng kanyang pangarap na magsuot siya ng damit-pangkasal.

Maganda ang takbo ng kanilang relasyon, nagkakasundo sila sa madalas na pagbibiyahe, ‘yun ang pareho nilang gusto bilang pang-alis ng stress sa halos maghapon at magdamag nilang pagharap sa mga camera.

Nang magtagal-tagal na ang kanilang relasyon ay natural lang na nagpaparamdam ang babae tungkol sa kanyang pangarap. ‘Yun daw kasi ang bubuo sa kanyang pagkatao at bilang babae.

Kuwento ng aming source, “Pero deadma lang si ____(pa­ngalan ng pamosong male personality). Labas-pasok lang sa magkabila niyang tenga ang ginagawang pagpaparamdam ng girlfriend niya.

“Wala pa sa bokabularyo niya ang pagpapakasal, marami pa siyang gustong gawin, saka hindi siya ang marrying type, sa totoo lang. Mukhang mapapagod lang sa kasasabi ang girl, bigo na naman yata siya sa dream niya,” komento ng aming impormante.

Kaya kapag may mga nagtatanong ngayon sa aktres kung kasalan na ba ang kahahantungan ng kanilang relasyon ng guwapo at pamosong aktor ay hindi na siya nagkokomento. Nakikisakay na lang siya sa ibinibigay na dahilan ng kanyang boyfriend na darating din ‘yun isang araw sa kanila.

“Sa totoo lang, hindi na sila bumabata, mukhang hindi na naman mangyayari ang ultimate dream ng girl na iharap siya sa altar kahit naka-T-shirt at maong lang siya,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Malinaw na malinaw ang kopya Tamang Panahon nina Alden at Maine napirata na!

Malinaw ang kopya ng pirated DVD ng Eat Bulaga - Tamang Panahon na nabili ng isang kaibigan namin. Isang kasamahan nito sa trabaho ang nagkuwento na ibinebenta na sa Divisoria ang pirated DVD ng matagumpay na palabas sa Philippine Arena nu’ng nakaraang Sabado.

“Alam kong mali ang pagsuporta sa mga pirata, pero gusto kong magkaroon ng kopya ng Tamang Panahon. Tinutukan ko ang show mula umpisa hanggang sa dulo, pero gusto ko pa ring magtago ng copy nu’n, kaya nakibili na rin ako ng pirated DVD!” katwiran ng aming kaibigan na hibang na hibang din kina Alden Richards at Maine Mendoza.

At ang nakakatawa, pag-uwi nito mula sa napakahigpit at nakauumay na trapik ay isinalang agad nito ang pirated DVD. Panibagong kilig na naman ang naramdaman nila ng kanyang mga anak habang nagyayakapan sina Alden at Yaya Dub.

“Malinaw ang DVD, parang original, parang pinanood lang namin uli ang nangyari nu’ng last Saturday. Nagpapabili rin ang iba ko pang office mates, pero ubos na, gagawa pa raw uli sila,” natatawang kuwento ng aming kaibigan.

Ibang klase talaga ang utak ng mga Pinoy pagdating sa pagnenegosyo. Kung ano at sino ang sikat ang sinasakyan nila, ang pinaglalaanan ng puhunan, dahil siguradong babalik agad ang kanilang kapital.

Pahabol pa ng kaibigan namin, “Pheno­menal ang loveteam nila, history na ‘yan, gusto kong maging part ng kasaysayan ng AlDub. Hindi lang ako, pati ang mga anak ko at pinsan, we all want to be part of history.”

Regine!!!! Whooooh!!!!

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

EAT BULAGA

KANYANG

LANG

MAINE MENDOZA

MALINAW

MUKHANG

PHILIPPINE ARENA

TAMANG PANAHON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with