^

PSN Showbiz

Flight attendant na nagpa-picture kahit tulog si Alden, inirereklamo ng GMA

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Magsisimula na ngayong araw ang pag-file ng candidacy para sa Elections 2016.

Sa hanay ng mga artistang pulitiko, ngayon magpa-file si Alfred Vargas na magpapa-reelect bilang Congressman ng 5th district ng Quezon City.

Si Jolo Revilla ay magpa-file na rin ngayong umaga sa Trece Martirez para sa reelection bilang Vice Governor ng Cavite.

Kakandidato namang Mayor ng Bacoor si Lani Mercado dahil sa Congress naman si Mayor Strike Revilla na nasa huling term na bilang alkalde.

Ilan pa sa mga narinig naming papasukin ang pulitika ay si Ronnie Ricketts na tatakbong Congressman sa Muntinlupa.

PAK: Nakatsikahan naman namin si Amy Perez na nag-host sa 10th anniversary ng ATC Healthcare, at doon niya inaming hindi siya bumuboto noon. Tila wala siyang paniniwala sa eleksyon, pero ngayon ay kailangan daw niyang bumoto dahil 18 na ang panganay niyang anak na si Adi at kailangan magpakita raw siya ng magandang ehemplo sa kanyang anak.

Sabi ng actress/radio and TV host, “Sana lang talaga it will be something very good para sa future ng mga bata. Siyempre iniisip ko ‘yung mga anak ko.

“Kasi hindi naman talaga ako bumuboto before, but when my son turned 18 nagrehistro ako kasama siya. Sabay kami, in-explain ko sa kanya kung sino’ng mga kandidato ganyan. Siyempre you have to set a good example sa mga anak mo eh. Basta marami kaming napag-usapan ni Adi.”

BOOM: Nagpadala ng complaint letter ang GMA Artist Center sa Cebu Pacific dahil sa pag-post ng kanilang flight attendant ng litrato nila kasama si Alden katabi ang PA niya.

Agree ang lahat na hindi tama ang ginawa nitoong flight attendant na magpalitrato kasama ang isang taong natutulog na hindi nito alam. Lalo pang lumalala nang ipinost nila sa kanilang social media account.

Marami ang naawa kay Alden dahil pagod na pagod siya nung oras na ‘yun mula sa isang show sa Del Gallego, Camarines Sur.

Madaling araw na flight kasi ‘yun pabalik ng Maynila, kaya ilang oras lang talaga ang tulog ng Pambansang Bae, at itinuloy na lang nito ang pagtulog pagkaupo sa eroplano.

Sa biyahe lang siya bu­ma­bawi ng tulog dahil sa mga sunud-sunod niyang trabaho.

 

vuukle comment

ACIRC

ADI

ALFRED VARGAS

AMY PEREZ

ANG

ARTIST CENTER

CAMARINES SUR

CEBU PACIFIC

DEL GALLEGO

LANI MERCADO

MAYOR STRIKE REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with