^

PSN Showbiz

Pasko magiging exciting sa salpukan ng JaDine at AlDub

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Muli namang patutunayan ng mga tagahanga ng JaDine nina James Reid at Nadine Lustre ang kanilang strength sa box-office sa MMFF movie na Beauty and the Beastie at pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin kung saan tampok ang tambalang JaDine kasama ang bagong child wonder na si Alonzo Muhlach.

Ito naman ay mula sa pamamahala ng consis­tent box-office director na si Wenn Deramas.

Kumpirmado nang magsasalpukan ang JaDine loveteam against AlDub na kasama naman nila sa darating na MMFF na pinagbibidahan nina Vic Sotto and AiAi delas Alas.

Sino kaya ang mananalo sa box-office?

Ito ang aabangan natin sa Pasko.

Baguhang singer na si Michelle Talley tuloy ang paghahasa ng tagalog

Umaasa ang Fil-Am singer-actress-host na si Michelle Talley na mabibigyan din siya ng chance na makilala sa Pilipinas.

Ang kanyang isang buwang bakasyon sa Pilipinas ay mukhang mai-extend nang mahabang panahon dahil may magagandang opportunities na dumara­ting sa kanya.

“I didn’t expect that I would love it here,” pag-amin ni Michelle na ang inang nurse ay tubong Biliran, Leyte habang ang kanyang ama ay isang American engineer.

Kasulukuyang hinahasa ni Mi­chelle ang pagsasa­lita ng Tagalog at mag-undergo rin siya ng iba’t ibang workshops in singing, acting and dancing tulad ng kanyang ginawa sa Amerika to get ready for the battle sa local showbiz.

Gloc-9 may pa-birthday sa fans

Sa darating na October 10, 17, 24, & 31 (all Sa­tur­days of October) ang first major concert series ng sikat na rap artist na si Gloc-9 Gaganapin ito sa Music Museum na may pamagat na Ang Kwento ng Makata: Gloc-9 Live.

Ayon kay Gloc-9 na ang tunay na pangalan ay Aristotle Pollisco, para umano siyang isang makata na nagkukuwento kapag siya’y nagra-rap.

Ang Gloc-9 ay isang uri ng pistol dahil mahilig sa baril at target shooting ang kilalang rapper.

Ang series of concerts ni Gloc-9 sa Music Museum ay magsisilbing birthday treat niya sa kanyang mga tagahanga dahil magsi-celebrate siya ng kanyang ika-38th birthday on October 18. Ito rin bale ang kauna-unahang series of shows na kanyang gagawin in his 18 years in the entertainment business.

Aris ang palayaw ni Gloc-9 na meron nang asawa na si Thea at may 11-year-old twins na sina Danielle Shaun at Sean Daniel.

vuukle comment

ACIRC

ALONZO MUHLACH

ANG

ANG GLOC

ANG KWENTO

ARISTOTLE POLLISCO

BEAUTY AND THE BEASTIE

GLOC

ITO

MICHELLE TALLEY

MUSIC MUSEUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with