^

PSN Showbiz

AiAi kalmado na ang lovelife

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Walang alinlangan na si AiAi delas Alas ngayon ang pinakabagong reyna ng Kapuso Network dahil sa sunud-sunod nitong projects sa nasa­bing istasyon.

Magmula nang lumipat si AiAi sa GMA sometime in April this year, agad siyang nagkaroon ng TV series, ang nagtapos na Let the Love Begin na agad naman sinundan ng kanyang weekly musical-comedy show na Sunday PinaSaya. As if this is not enough, magkakaroon din siya ng showbiz talk show on September 19 na pinamagatang CelebriTV kung saan niya makakasama ang mga da­ting hosts ng Startalk na sina Joey de Leon, Lolit Solis, at Ricky Lo minus Butch Francisco. Nakatakda rin siyang magkaroon ng weekly sitcom na pagsasamahan nila ni Vic Sotto.

Masayang-masaya si AiAi sa magandang tak­bo ng kanyang career ngayong isa na siyang Kapuso.

Speaking of AiAi, mukhang kalmado rin ang takbo ng kanyang lovelife dahil tila nagkakasundo sila ng kanyang nobyong si Gerald Sibayan kahit malaki ang kanilang age gap.

Marami rin ang pumupuri kay AiAi dahil sa kanyang ginagawang pagtulong sa Japanese-Filipino actor na si Jiro Manio na kanyang naging anak sa movie franchise ng Tanging Ina na si AiAi mismo ang pangunahing bida.

Melai balik-YSYF!

Sa September 5 na magsisimula ang ikalawang season ng Your Face Sounds Familiar hosted by Billy Crawford with YFSF first grand winner na si Melai Cantiveros as co-host. Mananatili pa ring judges sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, at Jed Madela.

Ang mga celebrity contestant sa 2nd season ng Your Face Sounds Familiar ay binubuo nina Sam Concepcion, KZ Tandingan, Michael Pa­ngilinan, Martyle Sarrosa, Eric Nicolas, Kean Cipriano, Denise Laurel, at Kakai.

Tiyak na napaka-exciting na naman ang muling pagbabalik sa ere ng YFSF dahil tiyak na aaba­ngan ng mga manonood ang iba’t ibang transformation ng mga kalahok.

Napakasuwerte naman ni Melai dahil matapos niyang talunin ang pito niyang mga kasamahan sa unang season ng YFSF ay muli siyang kasama sa ikalawang season hindi bilang contestant kundi bilang co-host ni Billy Crawford.

Gina carbon copy ng anak na si Racquel

Ibinalita sa amin ng veteran award-winning actress na si Gina Pareño na determinado umano ang kanyang anak na si Racquel Pareño na i-pursue ang kanyang acting career matapos itong maging in-demand sa mga stage play.

“Kahit medyo late bloomer na ang anak ako, there will always be room para sa isang katulad niya,” pahayag ni Gina na siyang excited sa pagpalaot sa showbiz ng kanyang kaisa-isang anak.

“I never encouraged my daughter na mag-showbiz when she was young dahil gusto ko na sa kanya magmula ang interes at hindi `yung pinilit ko lang siya,” dugtong pa ni Gina.

“Ngayon na gusto na niya, I’m here to support her,” dugtong pa ng proud mom.

Carbon copy ni Gina ang anak na si Raquel kaya hindi kami magtataka kung pati husay niya sa acting ay manahin ng kanyang anak.

“Pati nga laki ng boobs ko minana niya,” natatawang pahayag ni Gina.

vuukle comment

ACIRC

ANAK

ANG

ATILDE

BILLY CRAWFORD

BUTCH FRANCISCO

DENISE LAUREL

ERIC NICOLAS

GINA

KANYANG

YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with