^

PSN Showbiz

Pokwang at Kanong actor magli-live in muna, hihintayin ang anniversary bago pakakasal

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Mahigit six months nang nagli-live-in sina Pokwang at Lee O’ Brien sa bahay mismo ng una.

Ang pagsasama nina Pokwang at Lee ay mabibiyayaan na sana ng isang anak kung hindi nakunan si Pokwang kamakailan lamang. Pero umaasa ang live-in couple na magkakaroon din ng bunga ang kanilang pagsasama at pagmamahalan balang araw.

Sa isang panayam, inamin ng nobyo ni Pokwang na hihintayin muna nila ang kanilang first year anniversary bago nila planuhin ang pagpapakasal.

Kahit sa Amerika isinilang at lumaki si Lee, unti-unti na rin itong nakakapag-adjust sa kanyang buhay sa Pilipinas at gusto rin nitong matutong magsalita ng Tagalog.

Ang maganda pa, nagkaroon ng trabaho si Lee nang kunin siya ng TV5 para sa isang weekly sitcom ng Kapatid network.

Masayang-masaya ang pakiramdam ngayon ni Pokwang dahil bukod sa tanggap ng kanyang anak na si Mae ang nobyo niyang si Lee, malapit din ang Amerikano sa kanyang anak.

Ricky Lee mas maraming nagawang script kay ate Vi kahit certified Noranian

Marami palang hindi malilimutang experience ang award-winning screenplay writer, journalist, playwright, novelist, professor, at iba pa na si Ricky Lee kaya napakalawak ng kanyang imahinasyon pagdating sa mga istorya o kuwento na kanyang isinusulat.

Naging manunulat sa iba’t ibang pahayagan at magasin si Ricky at hindi nito itinago ang kanyang pagiging aktibista hanggang sa siya’y makulong nung panahon ni Ferdinand Marcos. Kahit sa loob ng kulungan ay idinaan pa rin ni Ricky ang kanyang hilig sa pagsusulat.

He has written more than two hundred screenplays and has received over 60 awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies at nakatrabaho niya ang mga pinagbibitaganang directors ng bansa maging ang mga TV and movie producers at iba’t-ibang publikasyon.

Identified man si Ricky sa Superstar na si Nora Aunor, mas marami siyang script na naisulat para kay Batangas governor at Star for All Seasons na si Vilma Santos at isa na rito ang pelikulang Relasyon na pinagtambalan nila ni Christopher de Leon na siyang nakapaghatid sa ina ni Luis Manzano ng grand slam win.

Si Ricky ay naging special guest namin ni Kuya Germs sa Celebrity Talk segment ng Walang Tulugan with the Master Showman ng GMA.

vuukle comment

ALL SEASONS

ANG

CELEBRITY TALK

FERDINAND MARCOS

KAHIT

KANYANG

KUYA GERMS

LEE

POKWANG

RICKY

RICKY LEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with