^

PSN Showbiz

‘My brother is deadly now‘ - Aiko

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Malungkot na ibinahagi ni Aiko Melendez ang kondisyon ngayon ng kapatid sa ama na si Jam Melendez. Nalulong ngayon sa droga ang kapatid ni Aiko kaya pinoproblema ito ng aktres. “Noong isang araw, nagdadasal ako sa Papa (Jimi Mendez) ko. Sabi ko, ‘Papa, ang unfair naman, iniwanan mo ako nang maaga tapos iniwanan mo ako ng problema.’ ‘Yung kapatid ko adik, wala akong magawa.”  emosyonal na pahayag ni Aiko.

Napagod na raw ang aktres sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa nakababatang kapatid.

May mensaheng gustong iparating si Aiko sa kanyang stepmother na ina Jam. “Sa ngayon pasensya na po. May mga anak din po akong tinataguyod. Single parent po ako. Breadwinner po ako. Nagtatrabaho po ako nang halos araw-araw, nagpupuyat ako para bigyan po ng magandang buhay ang pamilya ko. Unfair naman na sabihin nila na hindi ko tinutulungan ang kapatid ko, dahil hindi totoo ‘yan. Alam ng Diyos, God is my witness. I’ve helped my brother many times. It’s just that now, natatakot akong humarap sa kanya dahil baka pati ako, magdilim ang mata niya sa akin at masaktan niya,” emosyonal na pahayag ni Aiko.

Nakahanda pa ring tumulong sa rehabilitation ni Jam si Aiko basta sa ikabubuti ng kapatid. “Kung kaya nilang i-assure sa akin na ire-rehab nila ‘yung kapatid ko sa isang puwesto na hindi ako ‘yung mapapasama. Na paglabas ng kapatid ko, babalikan ako, sasaktan ako, sige. Alam n’yo naman ang personalidad ng adik ‘di ba? ‘Pag nag-rehab ‘yan posibleng ‘yung nagpasok sa kanya, ‘yon ‘yung babalikan niya. My brother’s situation is not easy. He’s deadly now. Nananakit ang kapatid ko physically. Hindi ako makatulog every night dahil hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na ako mismo ang magdadala ng kapatid ko sa rehab. O ipapadampot ko sa pulis ang kapatid ko. Ipit ako eh, kasi lahat ng gagawin kong solusyon para sa kapatid ko is being taken against me. Because my brother thinks na I don’t care for him, but it’s not true,” umiiyak na pagtatapos ng aktres.    Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ACIRC

AIKO

AIKO MELENDEZ

AKO

ALAM

ANG

DIYOS

IPIT

JAM MELENDEZ

JIMI MENDEZ

KAPATID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with