^

PSN Showbiz

Aiko takot humarap sa kapatid na wala sa tamang pag-iisip!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mataas ang rating ng back-to-back pasabog ng GMA 7 na Sunday PinaSaya at Wowowin.

Sinimulan ng Sunday PinaSaya ang tanghali na masaya at pawang katatawanan na pinangunahan nina AiAi delas Alas at Marian Rivera.

Pero malaking bagay din ang pagsali ni Alden Richards na talagang tinilian nang husto.

Nakakuha ito ng 9 percent sa NUTAM Survey. Kaya magandang birthday gift ito kay Marian na nagpa-thanksgiving mass kasama ang fans niya sa Makati Sports Club kahapon ng hapon.

Lalong sumaya naman ang Wowowin ni Willie Revillame na nakakuha ng 8.8 percent.

PAK: Excited ang magkasintahang Empress Schuck at Vino Guingona sa pagdating ng kanilang baby girl.

Inaasahan daw nilang isisilang ni Empress ang baby nila mga bandang last week of September.

Papangalanan daw nilang si Athalia, na ang ibig sabihin ay God is Great.

Nagkaroon sila ng baby shower nung kamaka­lawa ng hapon na ginanap sa Makati Sports Club na dinaluhan ng mga malalapit nilang kaibigan, pero karamihan ay mga non-showbiz.           

Sabi ni Empress, malaki raw talaga ang nabago sa kanya ngayong malapit na siyang maging ina.

Medyo malungkot naman si Vino dahil sumaka­bilang-buhay ang kanyang ama nung nakaraang buwan, at hindi man lang daw nakita ang kanyang first apo.

Ang magandang resulta lang daw nitong maagang pagbubuntis ni Empress ay lalo raw naging strong ang relasyon nilang dalawa.

Pero kahit may baby na sila, wala pa raw sa plano nila ang magpakasal.

“Parang bata pa kami, hindi naman namin naplano ‘to. Kung marriage naman ang pag-uusapan sana this time maplano namin and siyempre ‘yung marriage hindi naman basta pasukin mo lang and it’s the big responsnility. Gusto ko sana this time, nakaplano,” pahayag ni Empress.

BOOM: Naging emotional si Aiko Melendez sa story conference ng bagong pelikulang gagawin niya sa BG Films International na pinamagatang Balatkayo (The OFW Story).

Natanong namin ang tungkol sa kalagayan ng kapatid niyang si Jam Melendez na ipinasok na ni Deborah Sun sa rehab. Pero kailangan nila ng tulong at si Aiko ang gusto sana nilang lapitan.

Sabi ni Aiko, gusto man daw niyang tulungan pero sa ngayon ay nag-aalangan siya dahil gusto raw sana niyang makita kay Jam na gusto nitong tulungan ang sarili.

Bahagi ng mahabang pahayag ni Aiko; “Dati kasi sinubukan kong bigyan ng pera ang kapatid ko, pero it ended up, he bought drugs.

“Second instance, binilhan ko ng grocery ang kapatid ko sadly binenta, binili ng drugs.

“Ako, bilang ate kung isipin ko na ang kapatid ko lulong na sa ipinagbabawal na gamot, ano ang iisipin mo hindi ba ang long term, hindi ‘yung panandalian lang.”

Dagdag pang kuwento ni Aiko naging madalas daw ang paghingi sa kanya ng pera ng mag-inang Deborah at Jam.

“Kahit minsan hirap na ako na dalawa na ang anak ko may sarili na rin akong pamilya, ako ang breadwinner and there was a time I didn’t have projects. Nung  time na nasira ang mukha ko, nobody didn’t want to get me.

“Akala kasi ng tao sobrang yaman ko, madami akong pera. Mukha lang akong mayaman, but this is the real life, you’re going through some shitty times, excuse me for the term. Pero hindi ka lagi okay.

“Nung sinabi sa akin ni Mommy Ogie (Diaz, manager ni Aiko) na sinaktan ng kapatid ko si Tita Gigi, he almost killed my stepmom…kung kayo ibabalik ko sa inyo ang sitwasyon ko, ang kapatid ko hindi normal mag-isip ngayon.”

Mangiyak-ngiyak pang pahayag ng aktres; “Ang gusto ni Jam, magharapan kami ngayon. Ayokong humarap ako ngayon sa kapatid ko na wala sa tamang pag-iisip. Kung ang nanay niya nasaktan niya, what more ako na ate lang? Ako ang gusto niyang magdala mismo sa rehab, paano kung nasaktan ako ng kapatid ko physically? Na-mental block siya, mai-explain ba ng kapatid ko sa dalawang anak ko na wala nang bubuhay sa kanila?

“Mai-explain ba ni Tita Gigi where I’m coming from kung bakit napapagod na akong tumulong financially, kasi nga paulit-ulit ang kapatid ko na ang perang binibigay ko dinadala sa masamang bisyo?

“Bakit ko ba siya ayaw tulungan? Ayaw niyang tulungan ang sarili niya eh. Naniniwala ako na kung ayaw mong tulungan ang sarili mo, ba’t kita tutulungan? May buhay din akong sarili,”

 

vuukle comment

ACIRC

AIKO

AIKO MELENDEZ

AKO

ALDEN RICHARDS

ANG

KAPATID

MAKATI SPORTS CLUB

NBSP

PERO

TITA GIGI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with