^

PSN Showbiz

Christopher na-in love sa kapwa lalaki

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang tatlong serye sa mga kuwento ng mga artista ng kahapon, inihahandog ng Wish Ko Lang ang kuwento naman ng mga tagahanga ng mga bituin sa showbiz. Isasabuhay ng mga iniidolo nila ang kanilang kuwento ng pagsubok at pag-ahon sa  Si IDOL Bilang Ako. At ang unang episode ay tungkol sa masugid na fan o tagahanga ng drama king ng pinilakang tabing na si Christopher de Leon na si Romeo Burlat.

Ang tanging hangarin daw ni Romeo ay ang mahanap ang tunay na pag-ibig. Ito raw kasi ang magbibigay ng saysay sa kanyang buhay. Ilang beses na niyang inalay ang kanyang puso at ilang beses din siyang nabigo sa mga babae. At sa pro­seso ng kanyang paghahanap, unti-unti niya ring natutuklasan ang sarili, umibig din siya sa lalaki.

Nang maging kumplikado na ang nina­nais ng kanyang puso, tila mas lalong pinagkakait ni kupido na siya ay sumaya. Sa tuwing nabibigo, nagpapaka-abala na lang daw siya sa kanyang trabaho, pero ang hiling na umibig at ibigin ay hindi raw siya mapagbigyan.

Tunghayan ang pagganap ni Christopher De Leon para isabuhay ang naka-aantig na kuwento ni Romeo na kanya ring tagahangga kasama si Vicky Morales ngayong Sabado, August 1, simula 3:15PM, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BILANG AKO

CHRISTOPHER DE LEON

ILANG

ISASABUHAY

ITO

KARELASYON

ROMEO BURLAT

VICKY MORALES

WISH KO LANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with