^

PSN Showbiz

Gown ni Kris pa-suspense

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Gown na gawa ni Michael Leyva ang isusuot ni Kris Aquino sa huling SONA ni President Noynoy Aquino. Inaabangan na ng marami ang gown ni Kris, na tribute niya raw sa Filipino weavers, designers, at hard working sewers, beaders, at tailors working for Bang Pineda at Michael.

Ipinasilip ni Bang Pineda ang dalawang Ba­rong Tagalog na isusuot nina Josh Aquino at Bimby Aquino na maganda ang design at may ribbon na symbol ng mga Aquino, hindi nga lang ito color yellow.

May post din si Michael Leyva sa kanyang Instagram (IG) account na gown, pero hindi nito sinabi kung ‘yun ang gagamitin ni Kris. Sa nakaraang SONA ni Pres. Noynoy, si Kris ang nag-top sa list ng Best Dressed.

Baby Zion French, Spanish, Bisaya, English, at Tagalog kung kausapin

Tama ba kami sa basa namin sa body language ni Richard Gutierrez na mas in love siya kay Sarah Lahbati? Sa launch ng Season 3 ng It Takes Gutz to be A Gutier­rez, sabay na in-interview ang dalawa at nakita ng press people kung paano titigan ni Richard ang “love of his life” na parang walang ibang tao sa paligid.

Hindi naman maipagkakaila na parehong mahal na mahal nina Richard at Sa­rah ang anak nilang si Zion.

Sa bata umiikot ang daigding nila nga­yon at si Zion ang rason kung bakit ayaw munang magpaka-haggard sa trabaho si Ri­chard. Mabilis daw lumalaki si Zion at gusto niyang nakikita ito.

Also, Richard makes it a point na siya ang naghahatid kay Zion sa play school nito. Confused lang daw si Zion sa different languages na naririnig ng bagets.  Kinakausap kasi siya ni Sarah ng French, Spanish naman kung kausapin ni Eddie Gutierrez, Bisaya kung kausapin ni Annabelle Rama, at English at Tagalog ni Richard. Ibang l­anguage rin ang gamit ng mommy ni Sarah sa pagkausap kay Zion. Kaya nalilito ang bagets.

This Monday, 9 p.m. na ang pilot ng finale season ng It Takes Gutz... sa E! Channel and hopefully, ma-extend for another season dahil marami itong viewers.

vuukle comment

A GUTIER

ACIRC

ANG

ANNABELLE RAMA

BABY ZION FRENCH

BANG PINEDA

BIMBY AQUINO

BISAYA

EDDIE GUTIERREZ

IT TAKES GUTZ

MICHAEL LEYVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with