^

PSN Showbiz

AiAi hinihintay lumantad sa Kapuso?!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

May mga palabas na raw si AiAi delas Alas sa Kapuso Network, pero itinatanggi pa rin niyang lilipat na siya. Katwiran niya ay wala pa siyang pinipirmahang kon­trata. Pero requirement ba ang kontrata para makagawa siya ng proyekto sa ibang istas­yon, hindi naman, ‘di ba? Dahil may tinatawag namang verbal agreement. Saka na ang pirmahan kapag talagang sigurado na siya.

Meanwhile, bakit hindi na lang siya umamin, baka maka­gaan pa ito ng kalooban niya?

Kailan naman kaya aarangkada ang karera ng panganay niyang si Sancho sa GMA? Mukhang hinihintay pa ng network ang pagdating niya bago tuluyang pagplanuhan ito. Kaya mag-decide na siya, para sabay na silang ma­asikasong mag-ina.

Mansion ni Pacman katas ng pagiging mapagbigay

Wow naman, may bago na namang bahay ang mga Pacquiao sa Amerika. Paiiwan nga raw sa US si Jinkee Pacquiao para mapangasiwaan ang pagsasaayos nito. I’m sure it will take her forever dahil mansion na mansion ang house na may mga celebrities nang unang tumira.

Well, that’s success to you. Si Manny naman ay may mga tinutulungan din at hindi ipinagdaramot ang kanyang kayamanan. Kaya siya pinagpapala, eh.

Winwyn bidang-bida kahit ‘kontrabida’!

Mukha namang walang bitterness si Winwyn Marquez sa pagkatalo niya sa Bb. Pilipinas, siguro dahil maganda ang naging performance niya. Milya-milyang magandang publisidad ang nakuha niya, pero ang pinakamahalaga, sa kabila ng napakara­ming kontrabida roles na ginampanan niya, bidang-bida siya sa Bb. Pilipinas contest. Sana, sumali siya uit.

vuukle comment

KAPUSO NETWORK

KAYA

NIYA

PACQUIAO

PILIPINAS

SI MANNY

SIYA

WINWYN MARQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with