^

PSN Showbiz

Ogie emosyonal sa pang-iiwan ni Sharon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Naging emosyonal daw si Ogie Alcasid sa ginawang pagbabalik ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN. Matatandaang nagkasama pa sina Ogie at ang Megastar sa isang musical show noon sa TV5. “Nakakalungkot, nakaka-miss eh, pero sadyang gano’n eh. Hindi ko alam ang puno’t dulo ng mga pangyayaring ‘yan, nakakalungkot na lumipat na. Lalo na si Shawie, nakaka-miss siya dahil meron kaming The Mega & The Songwriter dati,” bungad ni Ogie.

Hindi pa raw nagkikitang muli ang singer at ang aktres at sa Facebook na lamang nagkakaroon ng komunikasyon. “Wish ko talaga sa kanya, sana gumawa ulit siya ng mga album. Kasi magaling na artista si Sharon, pero ‘yung strength niya talaga for me ha, ‘pag kumakanta na siya ng mga kanta niya, iba siya.

“Iba talaga si Shawie. Kasi dahil ang dami niyang alam gawin, parang hindi masyadong napapansin na Sharon is really a singer at heart. So ang wish ko sa kanya ay sana gumawa siya ng maraming-maraming albums. Kasi she really loves music. So siguro dapat gawin na niya ‘yon,” dagdag pa ni Ogie.

Juday sabik kay Richard

Malapit na muling mapanood sa isang teleserye ng ABS-CBN si Judy Ann Santos. Makakatambal ng aktres si Richard Yap sa Someone To Watch Over Me.

Hindi raw inakala ng aktres na makakasama niya sa isang proyekto si Richard. “Hindi naman ako nagulat pero hindi ko kasi naisip that it would be possible. Oo nga naman, bakit naman hindi? ‘Yun lang ‘yung nasabi ko. Kasi at least fresh na fresh, hindi mo talaga iisipin and I’m excited to see kung ano ‘yung magiging resulta,” pahayag ni Judy Ann.

Medyo naiilang pa raw ang aktres kay Richard lalo pa’t bago pa lamang sila magkakilala. “Siyempre nando’n ‘yung paano ko ba sisimulan makipag-usap? Kilala ko naman si Richard Yap by Be Careful (With My Heart) as Papa Chen. So I’m really excited to really know him better. We’ll be working with each other twice or thrice a week. So wala naman akong masyadong takot. Feeling ko naman hindi siya nanga­ngagat,” natatawang pahayag ni Juday.

Hindi raw nag-aalala ang aktres kung magkakaroon kaagad sila ni Richard ng on-screen chemistry. “I believe chemistry just happens eh. It happens through friendship, it happens through working with each other over time. We will work for it but I guess huwag masyadong matindi. Kasi baka ‘pag tinindihan namin, maging mas seryoso masyado ang dating namin sa isa’t isa. I guess we’ll just let it be,” giit ng aktres.      

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BE CAREFUL

JUDAY

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

KASI

OGIE

PAPA CHEN

RICHARD YAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with