^

PSN Showbiz

Kris nag-share ng biyaya sa mga ‘di kakilala!

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng birthday salubong mamayang hatinggabi kay Kris Aquino.

Lately, naging abala ang tinaguriang Queen of All Media sa kanyang #givebacktolove na ipapalabas sa KrisTV sa ABS-CBN.

Ang proyektong ‘yon ni Kris ay may kinalaman sa 44th birthday niya bukas.

Imbes na siya ang regaluhan, namili ng ilang mga tao na may touching stories si Kris at ang kanyang KrisTV staff para sorpresahin at ang TV host mismo ang namili ng mga regalong ibinigay sa mga taong ‘yon.

Sabi ni Kris sa kanyang Instagram account, “Thank You God for the opportunity to share the blessings You’ve abundantly given me… Thank You that in making others happy I forgot to remember that I was supposed to have some birthday blues… Thank You for letting me love & be loved!”

Ayon sa isang KrisTV staff na nakausap ko, matagal nang plano ni Kris ang #givebacktolove at hindi raw ginawa ‘yon ni Kris para mapagtakpan ang ginagawa ng maraming bashers na nagsimula nang hindi nagpunta ang kuya niya na si Pres. Noynoy Aquino sa arrival honors ng SAF 44 o ‘yung kung tawagin ni Ogie Alcasid at iba pang mga nagdadalamhating kababayan natin na Brave 44.

Ang birthday salubong ni Kris mamayang hatinggabi ay wala sa original na plano. Bigla lang naisip ng kanyang staff at ilang malalapit na mga kaibigan na gawin ‘yon, kaya ang karamihan sa kanila, nagkansela ng kani-ka­nilang mga lakad.

Rocco ipinaubaya ng isang gabi si Lovi sa kaibigan

Nagkaroon ng first live performance in public sina Lovi Poe at Brisom ng kanilang Bigkas single noong isang gabi sa birthday bash ng girlfriend ni Rocco Nacino sa Cable Car Bar/Restaurant sa The Fort Strip sa The Fort Global City, Taguig City.

Enjoy na enjoy si Lovi na muli niyang naga­gawang kumanta.

Magkaibigan sina Lovi at Brisom, kaya nang magdesisyon ang huli na gawan ng bagong areglo ang kantang ‘yon, hiniling nito sa dalaga na mag-duet sila.

Sabay din ng birthday party ni Lovi ang launching ng music video ng Bigkas.

Sa Linggo naman, muling kakantahin nina Lovi at Brisom sa Sunday All Stars (SAS) ang Bigkas at ipapalabas din sa nasabing show ang music video ng nasabing kanta.

Nasa birthday party rin ni Lovi si Rocco, pero hinayaan ng binata na mag-shine si Brisom at hindi siya umeksena habang nagdu-duet ang kasintahan at ang nasabing singer.

Very supportive rin si Rocco sa Bigkas dahil kaibigan din ng binata si Brisom at ang misis nito na si Marsha.

vuukle comment

BIGKAS

BIRTHDAY

BRISOM

CABLE CAR BAR

FORT GLOBAL CITY

LOVI

ROCCO

THANK YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with