^

PSN Showbiz

Bagong kasal handa nang magka-baby, sperm at egg cells ni Aiza ipe-fertilize at saka ii-inject para mabuntis si Liza

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasunod ng kontrobersyal na pag-iisang dibdib nina Aiza Seguerra at Liza Diño sa Estados Unidos kamakailan, ibinahagi ng couple sa Tapatan Ni Tun­ying na mapapanood ngayong Huwebes (Disyembre 25) na kasado na ang plano nilang sumailaiim sa in vitro fertilization (IVF) sa 2015.

“Magha-harvest sila ng egg cells ko tapos may kukunin kaming sperm donor. Pagka-harvest ng eggs ko at ng sperm, iipefertilize nila, at ii-inject kay Liza,” pagpapaliwanag ni Aiza kung paano isasagawa ang nasabing operasyon.

“Ako ang magbubuntis sa baby namin,” dagdag ni Liza.

Bukod dito, nakalinya rin sa plano ng mag-asawa na magsagawa ng hiwalay na seremonya ng kasal dito sa Pilipinas.

Agad namang nilinaw ni Aiza na ang gagana­ping pagdiriwang ay hindi para iprotesta ang karapatan ng mga kabilang sa LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community, kundi para lamang ipagdiwang ang kanilang pagmamahalan.

“Alam ko na bilang tao ay may karapatan akong magmahal, hindi bilang lalake o bilang babae. Bilang tao, may karapatan ako magmahal at ipakita ‘yong pagmamahal na ‘yon sa taong mahal ko, at ibahagi ‘yon sa mga mahal namin sa buhay,” wika ni Aiza.

“Isa itong selebrasyon ng pag-ibig at ng commitment namin sa isa’t-isa kasama ang aming pamilya at mga kaibigan. ‘Yon ang pinakapunto kung bakit gaganapin din namin dito ang seremonya,” dagdag ni Liza.

Big Bossing kinuyog

Kinuyog ng fans ang isa sa mga pinakamagandang float sa ginanap na MMFF parade of stars, ang My Big Bossing na pinagbibidahan nina Vic Sotto and Ryzza Mae Dizon. Literal kasing sea of people ang dumagsa kahapon sa Parade of Stars kaya naman nagdulot ito ng matinding traffic sa Manila area hanggang sa EDSA.

Masayang-masaya ang mga artista ng My Big Bossing, na tinatayang magiging blockbuster na naman sa taong ito, sa pagtanggap sa kanila ng mga nanonood ng parada. Isinisigaw nila na pang Best Actress ang acting ni Ryzza sa pelikulang ito at pang best picture ang pelikula dahil  sa ganda ng story at pagkakasalarawan nito sa big screen.

Bukas, Pasko, pormal na magbubukas sa mga sinehan ang My Big Bossing at ang pito pang kasali sa local film fiesta.                       

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

BEST ACTRESS

BIG BOSSING

ESTADOS UNIDOS

LIZA DI

MY BIG BOSSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with