^

PSN Showbiz

Coleen sure na sure nang si Billy ang pakakasalan!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Wala raw problema kay Coleen Garcia kahit na sampung taon ang agwat ng edad nila ng kasintahang si Billy Crawford.

“It was never an issue. I’ve never gotten along with anyone as well as I get along with Billy. In every stage of my everyday life, when I’m sad or when I’m happy, when I’m nervous, we just really get along,” nakangiting pahayag ni Coleen.

Ayon sa aktres ay malaki rin ang agwat ng edad ng kanyang lolo at lola ngunit hindi naman ito naging hadlang sa pagmamahalan ng mag-asawa. “My lola actually and my lolo, 20 years ‘yung difference nila and they are still together. So I really don’t think it has anything to do with age,” giit ng dalaga.

Nararamdaman na raw ni Coleen na si Billy na ang kanyang makakasama sa habang buhay. “I really feel in my heart also that he is the one. I wouldn’t be here, I wouldn’t have gone through everything that I went through for him if I didn’t really feel like he’s not worth keeping,” pagbabahagi ni Coleen.

Limang buwan nang magkarelasyon ang dalawa at marami ang nagsasabing malaki raw ang naitulong ni Coleen sa pagbabago ni Billy. “I believe it took himself. He did everything on his own. I was there to guide him. I’m so proud of him because he did everything on his own. Super wala siyang bisyo now at all,” makahulugang pahayag ng aktres.

Nagbago ang isip, may bagets kasing manliligaw Aiko ayaw na uling pabuntis kay Jomari

Isang non-showbiz guy ang bagong nauugnay ngayon kay Aiko Melendez. Makikita sa Instagram (IG) account ng aktres ang mga larawan niya kasama ang nagnga­ngalang Michael Pate. Para kay Aiko ay malapit daw niyang kaibigan ang binata. “I don’t know pero pangit naman na it would come from me. Probably, siguro he just has a crush on me. Yeah! Barkada ko ito, barkada namin nina Edwin Tan (fashion designer). So we just hang out as a group,” pagbabahagi ni Aiko.

Naging kontrobersyal din ang post ni Michael na may caption na #truelove sa isang larawan nila ng aktres. “Ewan ko sa kanya, bakit siya nag-post ng ganyan. Sinasabi lang niya na humahanga siya sa akin. Hindi naman diretso na humahanga ako, parang, ‘I admire you, you look good today.’” pagtatapat ni Aiko.

Samantala, matatandaang sinabi ng aktres kamakailan sa isang pahayag na gusto niyang magkaroon ng isa pang anak sa dating asawa na si Jomari ­Yllana. Ngayon ay nagbago na raw ang isip ni Aiko dahil matalik silang magkaibigan ng aktor. “I take it back. ‘Wag na lang. I’m content with my two kids. Saka I have a boy and girl so okay na ako. Jom and I are best of friends. Siguro if we go further than that it will complicate things. We’re better off as friends. Kasi kung we’re more than friends, masisira lang whatever we have right now,” giit ni Aiko. Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

AIKO

AIKO MELENDEZ

BILLY CRAWFORD

COLEEN

COLEEN GARCIA

EDWIN TAN

JOM AND I

JOMARI

MICHAEL PATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with