^

PSN Showbiz

Derek nagsalita na sa paglayas sa TV5

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Buo ang pagtanggap ni Jolo Revilla sa desisyon ng Sandiganbayan na pagbasura sa Petition to Bail na hiniling ni Sen. Bong Revilla.

Lagi niyang sinasabing “in God’s perfect time” ibibigay ito sa kanyang ama.

Malaking bagay ang madalas na pagdarasal niya at pagsali sa mga prayer worship na ginagawa nila ni Jodi Sta. Maria.

Nandiyan ang suporta nila sa isa’t isa, kaya kahit paano ay naging magaan ang lahat kay Jolo sa kung anumang dumating sa kanilang pagsubok.

PAK: Kasal na pala itong kilalang male TV celebrity na anak ng isang kilalang singer.

Ang huling balita lang namin sa kanya ay nag-propose ito sa non-showbiz girlfriend niya. Pero kamakailan lang ay nabalitaan naming kasal na sila.

Mas gusto nila ng tahimik lang na seremonya at hindi na kailangang pag-usapan pa. Mas napag-usapan pa nga ang pinausong sayaw nitong male celebrity na ito.

BOOM: Pinabulaanan ni Derek Ramsay ang kumalat na balitang babalik siya ng ABS-CBN 2.

Totoong matatapos na raw ang kontrata niya sa TV5 pero meron daw na negosasyon ng renewal.

Nilinaw ng Kapatid aktor na priority daw niya ang TV5 dahil sa magandang pagtrato sa kanya.

Ang isang posibleng mangyari ay ang paggawa ni Derek sa Star Cinema Films.

Gusto raw niyang magtrabaho at makagawa uli ng pelikula sa Star Cinema. Kung matutuloy si Derek sa Star, posible na kaya siyang makapag-promote sa ABS-CBN 2?

Sa ngayon kasi ay tila malabo pang makapag-promote ang aktor ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang English Only, Please.

vuukle comment

BONG REVILLA

BUO

DEREK

DEREK RAMSAY

ENGLISH ONLY

JODI STA

JOLO REVILLA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with