^

PSN Showbiz

Dahil sa dyowa Cristine nabuburo sa Kapamilya

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Natatawa si LJ Reyes habang ikinukuwento sa amin na iniiba raw niya ang kuwento ng Yagit kapag nagtatanong ang anak niyang si Aki.

Kontrabida kasi si LJ sa naturang afternoon drama ng GMA 7 at ayaw daw niya sanang mapanood ito ng anak niya dahil nagtatanong na ito.

Pero hindi maiwasang napapanood ng anak niya, at pag-uwi nito tinatanong daw siya ni Aki kung bakit sinasaktan niya ang mga batang yagit. Ibang dahilan ang sagot ni LJ, kaya iniiba na lang daw niya ang kuwento para hindi raw siya magmukhang kontrabida sa mga mata ng kanyang anak.

PAK: Totoo kayang hanggang ngayon ay wala pa ring tinatanggap na project si Cristine Reyes sa ABS-CBN 2?

May ilang projects pa raw na inaalok sa kanya, pero panay ang tanggi nito.

May ilang nagtatanong tuloy kung ano ba talaga ang totoong kalagayan ng young actress at bakit ayaw nitong magtrabaho.

Totoo bang buntis ito?

Nag-post si Ara Mina sa Instagram account niya ng baby shower sa kanya at may kuha sila ni Cristine kasama ang boyfriend nito. Hindi naman mukhang buntis ang aktres. Ang Ate lang naman niya ang buntis na malapit nang ma­nganak.

BOOM: Nagpapasalamat si Jennylyn Mercado sa babaeng pakakasalan ni Patrick Garcia na si Nikka Martinez dahil siya raw ang instrumento kaya nagkaayos sila ni Patrick at ng pamilya nito.

Saad ni Jennylyn: “Thankful ako, dahil kung hindi dahil sa kanya siguro hindi ito maayos.

“Siya ang naging instrument para maging happy ulit, maging okay ang lahat, maging okay ang takbo ng pamilya nila Patrick. So, happy ako.”

Hindi na idinetalye ni Jennylyn kung ano ang ginawa ni Nikka, pero ginawan raw nito ng paraan na magkaayos sila ni Patrick. Kaya nandun ang suporta ni Jennylyn sa pagpapakasal nina Patrick at Nikka.

vuukle comment

AKI

ANG ATE

ARA MINA

CRISTINE REYES

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

NIKKA

NIKKA MARTINEZ

NIYA

PATRICK GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with