^

PSN Showbiz

Bernard at anak ni Erap pakakasal na rin

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kahit estranged na sila bilang mag-asawa, nanatiling magkaibigan ang dating couple na sina Meryll Soriano at Bernard Palanca dahil na rin sa kanilang anak na si Elijah, now 7 years old. Ang bata ay close sa amang si Bernard at sa pamilya nito.

Ang panganay na anak ni dating pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph “Erap” Estrada sa dating actress-turned businesswoman na si Laarni Enriquez na si Jerika Ejercito ang bagong karelasyon ni Bernard at meron na silang isang anak, si Isaiah Joseph Ejercito Palanca na isinilang ni Jerika last May 7.

Hinihintay pa nina Jerika at Bernard ang basbas sa kanilang relasyon ni Mayor Erap, umaasa ang dalawa na ito’y mangyayari sa hinaharap.

Since annulled na ang kasal ni Bernard sa una niyang misis na si Meryll, panganay na anak ng TV host-comedian na si Willie Revillame sa nakatatandang kapatid ni Maricel Soriano na si Bec-Bec Soriano, nasa plano nina Jerika at Bernard ang pagpapakasal.

Si Jerika ang nakatatandang kapatid ni Jake Ejercito, ang controversial ex-boyfriend ng aktres na si Andi Eigenmann.

Alwyn at Jennica walong buwan nang kasal!

Alam mo, Salve A., kung ang ibang showbiz couples ay halos ibandera sa buong mundo ang kanilang engagement at pagpapakasal, kakaiba naman ang ginawa ng young couple na sina Alwyn Uytingco at Jen­nica Garcia, kaisa-isang anak ng dating That’s Entertainment couple na sina Jigo Garcia at Jean Garcia na nagpakasal ng halos walang naka­kaalam except their immediate members of the family, close friends, at ilang kasamahan sa Victory Church in Greenhills, San Juan City nung ikinasal ang dalawa last February 12.

Mahigit walong buwan ding naitago sa publiko ng mag-asawa ang kanilang secret wedding bago nila ito inamin sa publiko at choice nila ‘yon dahil hindi naman daw sila malalaking artista tulad ng iba at gusto rin nila ng simple at tahimik na kasalan.

Bago nagpakasal, hiningi muna nina Alwyn at Jennica ang basbas ng mga magulang ng huli na sina Jigo at Jean na may kani-kanyang buhay na rin ngayon.

Si Jennica ay dating Kapuso talent habang si Alwyn naman ay nasa bakuran ngayon ng TV5.

Sorpresa ng anak ko…

Alam mo, Salve A., I got the biggest surprise in my life last Friday evening nang wala akong kaalam-alam na darating ang anak kong si Aila Marie Reyes na nag-side trip ng Maynila galing sa kanyang business trip sa Vietnam bago ito bumalik ng Tokyo, Japan kung saan siya naka-base at nagtatrabaho ngayon.

May Philippine branch (in Makati) ang company na pinapasukan ni Aila pero hindi nito sinabi  na may one-day business trip siya with her boss sa Pilipinas from Vietnam.

In-allow ng boss ni Aila na siya’y  mag-extend  ng isang araw (last Saturday) to be with her family and friends at bumalik lamang siya ng Tokyo last Sunday.

Si Aila ay nag-aral ng two-year Japanese language sa KCP International Japanese Language school in Tokyo at nagtapos ng dalawang degree - Business Management and International Studies sa Kwansei Gakuin University sa Nishinomiya City sa Kansai area (near Osaka) last March 18, 2014.

 

vuukle comment

AILA

AILA MARIE REYES

ALAM

ALWYN

ALWYN UYTINGCO

ANAK

ANDI EIGENMANN

JERIKA

SALVE A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with