^

PSN Showbiz

Palibhasa Lalake magbabalik sa ere, may basaan reunion din!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling magbabalik para maghatid ng good vibes ngayong Oktubre 20 na sa Jeepney TV, ang ultimate throwback channel, isa sa pinakapaboritong sitcom ng Pilipinas  ang  Palibhasa Lalake mula Lunes hanggang Biyernes. Huwag palalampasin ang tawanan kasama ang cast ng show na binubuo nina Richard Gomez, Joey Marquez, John Estrada, Gloria Romero, Amy Perez, Mark Anthony Fernandez, Eric Fructoso, Jomari Yllana, Jao Mapa, Claudine Barretto, Rica Peralejo, G. Toengi, Regine Tolentino, Lindsay Custodio, at marami pang iba.

All out ang Jeepney TV sa pagbalik ng Palibhasa Lalake craze ngayong buwan kaya maliban sa airing ng programa sa weekdays ng 8:00 pm na may replay ng 11:00pm at 5:45am, ang limang episode ng bawat linggo ay magkakaroon ng marathon run tuwing Sabado ng 4:00pm simula Oktubre 25.

Ang award-winning na programa ng Jeepney TV na Biyaheng Retro ay naghanda ng special feature tungkol sa mga cast ng sitcom pati na rin ang mga ‘di malilimutang eksena na mapapanood sa isang special documentary sa Oktubre 19, 9pm. Ang mga bida ng Palibhasa Lalake rin ang icons of the month ng channel kaya naman ipapalabas din ang kanilang best dramatic appearances sa Jeepney TV Star Showcase sa lahat ng Linggo ng Oktubre, 8pm. 

At para naman sa hardcore fans ng show, pumunta sa  Palibhasa Lalake Basaan Reunion sa Oktubre 18 sa Eastwood Central Plaza. Magsisimula ito ng 6pm kung saan ang Jeepney TV ay magbibigay ng mga libreng beer sa mga dadalo ng maaga.

Sina Amy Perez at DJ China Paps ng MOR 101.9  ang mga magho-host ng  Epic Basaan Reunion.  At siyempre, hindi mawawala ang mga cast na sina Richard Gomez, John Estrada, Anjo Yllana, Jomari Yllana at Eric Fructuoso na mangunguna sa event. Dadalo rin para makigulo at magdagdag ng saya ang Banana Split mainstay na si Jeff Gaitan. Abangan din ang mash up live rendition ng rock music icon at Hagibis producer-songwriter na si Mike Hanopol na kumanta ng Palibhasa Lalake OST na Katawan.  

Maghanda nang mabasa sa pinakamalaki at ‘di malilimutang basaan reunion ng taon!

vuukle comment

AMY PEREZ

ANJO YLLANA

BANANA SPLIT

JOHN ESTRADA

JOMARI YLLANA

OKTUBRE

PALIBHASA LALAKE

RICHARD GOMEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with