^

PSN Showbiz

David Pomeranz hindi kayang ‘iwan’ ang Pinas!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Last Wednesday lunch Salve A. ay aksidente naming nakita at nakilala ang tinitingala at hinahangaang international hitmaker, ang American singer-composer na si David Pomeranz sa Toki restaurant kung saan siya nag-lunch kasama ang Filipino couple friends niyang businessmen na sina Benjie at Kay Atilano. Maagang duma­ting sina Mr. & Mrs. Atilano at David sa Toki  pero naroon pa sila nang magsida­tingan ang 26 kandidata ng 2014 Miss World Philip­pines kasama ang national director na si Cory Quirino.

Kahit sandali lamang namin nakadaupang-palad si David, napansin namin sa kanya ang kanyang pagi­ging warm, friendly, and accommodating.  Binalewala nito ang pagkakagulo sa kanya ng mga kandidata ng Miss World Philippines at maging ng ibang custo­mers ng restaurant na hindi rin pinalampas ng mga staff ng nasabing restoran na magpa-picture kasama ang sikat na mang-aawit.

Nangako si David na pauunlakan niya ang aming paanyaya sa kanya na mag-guest sa aming segment ni Kuya Germs (Moreno) sa Celebrity Talk ng Walang Tulugan with the Master Showman sa GMA lalupa’t kilala at mahal niya ang master showman na very accommodating umano sa kanya sa tuwing naggi-guest siya sa programa nito sa tuwing may concert siya sa Pilipinas.

Inamin sa amin ni David na mahal na mahal niya ang Pilipinas kaya pabalik-balik siya sa ating bansa.

Identified si David sa mga classic hits na On This Way, If You Walked Away, Born for You, King and Queen of Hearts, Until I Fall in Love, Got to Believe In Magic, Nothing’s Gonna Stop Me Now, The Old Songs, I Learned It All from You at marami pang iba.

Kuya Germs bibigyan ng ‘star’ sa Walk of Fame si Vice Ganda

Kahit Kapuso talent ang Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno, naging posible ang kanyang guesting sa top-rating Sunday night show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice ng Kapamil­ya Network which was aired last Sunday night.

Ayon kay Kuya Germs, nagpaalam umano siya sa top guns ng GMA at pinayagan naman siya.

Tuwang-tuwa ang Master Showman sa kanyang guesting sa programa ni Vice Ganda dahil bihira itong mangyari. In return, inimbitahan din ni Kuya Germs ang singer-comedian-TV host na mag-guest din sa kanyang Walang Tulugan with the Master Showman at nangako naman si Vice Ganda na gagawin niya umano ito to promote his Metro Manila Film Festival (MMFF) movie, ang part 2 ng Praybet Benjamin.

Na-sorpresa si Vice Ganda nang i-announce ni Kuya Germs sa programang Gandang Gabi Vice na isa siya (Vice Ganda) sa paparangalan ngayong December 1, 2014 ng sarili nitong star sa Eastwood City Walk of Fame in Quezon City.

vuukle comment

BELIEVE IN MAGIC

CELEBRITY TALK

CORY QUIRINO

GANDANG GABI VICE

KUYA GERMS

MASTER SHOWMAN

VICE

VICE GANDA

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with