^

PSN Showbiz

Bong at Jinggoy hindi puwedeng gambalain ‘pag Biyernes, pang-misis lang nila!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi natuloy ang pagbisita ko kahapon kina Se­nator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada dahil fully-booked ang schedule ko.

May lunch date ako sa aking friend na si Rubby Sy, ang may-ari ng Flawless, ang leading beauty clinic ng bansa, sa isang Japanese restaurant sa Quezon City.

Kahapon lang kami nagkita ng personal ni Mama Rubby dahil busy siya sa nalalapit na  grand launch ng bagong produkto ng Flawless, isang natural beauty product na i-e-endorso ni Maxene Magalona.

Ginagamit na sa mga Flawless branch ang natural beauty facial product na hit na hit sa mga kostumer. Kung hindi ako nagkakamali, ipinagamit na kay Lorna Tolentino ang nasabing produkto na nagustuhan din niya.

Anyway, plano ko sana na ngayon dumalaw kina Bong at Papa Jinggoy pero naalaala ko na para sa conjugal visit ang araw ng Biyernes.

Hindi ko pinangarap na magkaroon ng malisya ang mga bantay kung ngayon ako dadalaw sa dalawa. Lalong wala sa isip ko na maging sagabal sa mga misis nina Bong at Papa Jinggoy.

Past at present ni Dino magkasundo

Mula sa lunch date namin ni Mama Rubby, dumiretso ako sa press launch ng Indo Mie, isang brand ng instant noodle na nag-originate sa Indonesia.

Sina Dino Guevara, Bettina Carlos, at ang kanilang mga anak ang mga endorser ng Indo Mie.

Ang Indofood ang manufacturer ng Indo Mie at ito raw ang pioneer sa paggawa ng instant noodles.

Kasama ni Dino sa press launch ng Indo Mie ang kanyang partner na si Karen na in charge sa presscon.

Maya-maya, dumating naman si Monica Gonzales, ang ex-girlfriend ni Dino at ina ng kanyang dalawang anak.

Naloka ako dahil good friends sina Monica at Karen. Mga teenager na ang dalawang anak na lalake ni Dino kay Monica na happily-married sa isang direktor.

Pinatunayan nina Monica at Karen na puwedeng maging magkaibigan ang past and present ng isang lalake.

Why not? Best of friends nga sina Michelle Van Eimeren at Regine Velasquez, ang past and present ni Ogie Alcasid.

Starstruck ilulunsad sa Startalk

Mapapanood bukas sa Startalk ang grand launch ng Starstruck VI.

Si Dingdong Dantes pa rin ang host ng nagbabalik-telebisyon na talent search program ng GMA 7. Magsisimula na bukas ang nationwide auditions ng Starstruck at sa January 2015 ang umpisa ng show na may tagline na dream, believe, survive!                               

 

vuukle comment

ANG INDOFOOD

BETTINA CARLOS

BONG REVILLA

DINO

INDO MIE

LORNA TOLENTINO

MAMA RUBBY

MAXENE MAGALONA

PAPA JINGGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with