^

PSN Showbiz

Log cabins sa Xmas card at higanteng Xmas tree na puno ng tunay na snow dinala sa Star City

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magbubukas na ang bago, at higit na malaking Snow World sa Star City sa Setyembre 5. Ipinagmamalaki ng bagong attraction ang pagkakaroon ng pinakamalaking “man made ice slide” na may habang 75 metro, at sinasabing siyang pinaka malaking man made ice slide sa buong mundo ngayon.

Sa loob ng bago at higit na malaking Snow World, na isa na nga­yong “double decker attraction” na may taas na 40 feet ay makikita ang malalaking ice sculptures ng mga hayop mula sa North Pole.

Bukod doon, makikita ang mga log cabins, na may mga fire place pa sa loob, mga bagay na dating nakikita lamang natin sa mga Christmas cards. Maaaring pumasok sa mga log houses at magpakuha ng pictures. Mararanasan natin sa bago at higit na malaking Snow World ang buhay sa mga polar countries, na parang winter sa buong taon.

Gamit ang pinaka makabagong teknolohiya sa paggawa ng snow na inimbento ni Thomas Choong, ang Snow World ay may lamig na negative 18 celcius, kagaya ng karaniwang nararamdaman sa mga polar countries kung panahon ng tag-lamig. Makikita rin sa loob ang pinakamataas na Christmas tree na nababalutan ng tunay na snow.

Talagang isang naiibang karanasan ang madarama ng mga dadalaw sa bago at higit na malaking Snow World sa panahong ito.

Ang bago at higit na malaking Snow World sa Star City ay bukas araw-araw, mula alas-kuwatro ng hapon kung karaniwang araw, at mula alas-dos ng hapon kung weekends.

vuukle comment

BUKOD

GAMIT

IPINAGMAMALAKI

NORTH POLE

SNOW

SNOW WORLD

STAR CITY

THOMAS CHOONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with