^

PSN Showbiz

Lauren Young mukhang namamaga ang mga braso

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang pagsusukat ni Raymond Gutierrez ng mga damit sa isang batik shop sa Malaysia ang episode ng It Takes Gutz to be a Gutierrez na nakakuha ng pinakamataas na rating.   

SCENE: Nadagdagan ang mga timbang nina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada sa custodial center ng PNP sa Camp Crame dahil sa rami ng mga pagkain na dinadala ng kanilang mga bisita.

SEEN: Ginawaran sina Marian Rivera at Eugene Domingo ng “honorary beki” award ng LGBT community noong Sabado sa isang gay bar sa Mandaluyong City.

SCENE: Pinaghahandaan na ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) ang pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa January 2015.

Hindi pa inihahayag ng CBCP ang media partner nila sa pagdalaw ng Santo Papa sa susunod na taon.

Exclusive sa GMA 7 ang pagbisita ni Pope John Paul II sa Pilipinas noong January 1995.

SEEN: Nawawala na sa kamalayan ng mga Pilipino ang kaso nina Vhong Navarro at Cedric Lee dahil natatabunan na ito ng maraming isyu.

Maging vigilant, ang payo sa mga supporter ni Vhong upang hindi mawala ang interes ng publiko sa mga kaso na isinampa niya laban sa grupo ni Cedric.

SCENE: Ang Laser Lipo Arms procedure ng Belo Medical Clinic ang solusyon sa mga naglalakihan na braso ni Lauren Young.

SEEN: Masigasig si Maja Salvador sa rehearsals ng kanyang first major concert sa Music Museum sa July 12, ang Maj: The Legal Performer.

Expected ang special appearance ni Gerald Anderson sa concert ng kanyang girlfriend.

SCENE: Si Rocco Nacino ang pinakamaligaya na lalaki noong Sabado dahil sa pag-amin ni Lovi Poe sa national television tungkol sa kanilang 2-month old relationship.

vuukle comment

ANG LASER LIPO ARMS

BELO MEDICAL CLINIC

CAMP CRAME

CATHOLIC BISHOP

CEDRIC LEE

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

EUGENE DOMINGO

GERALD ANDERSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with