^

PSN Showbiz

When Magic Hurts

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Una kong nakilala si Palayan City Nueva Ecija Councilor Alvin Magtalas at misis niyang si Filipina sa online show naming noon dito sa PSN, na Take It Per Minute Meganon. (crush ko ‘yang si Papa Alvin ha!) Nangunguna sila sa listahan ng mga sumusuporta sa show naming ‘yan. (kaya feeling close ako!) Kaya nang malaman ko na tuloy-tuloy na ang pag-aartista ng kanilang anak na si Beaver Magtalas, full support ako! (lalo na si ate mo Salve, ‘di ba Nay Lolit?!)

Sa darating na May 22, ipapalabas na ang movie ni Beaver na When Magic Hurts kasama ang kanyang ka-loveteam na si Mutya Orquia at ka-love triangle nilang si Maxine Trinidad. (may pa-triangle ha!) Bilang paghahanda, nagkaroon na sila ng premiere night at ilang promo activities dito sa Manila. (hindi basta-basta!) Pero dahil sa tubong Nueva Ecija ang pamilya Magtalas, minabuti nilang gumawa ng hiwalay na aktibidad sa Cabanatuan para naman sa kanilang mga kababayan. (may budget!)

Last week, nagkaroon ng motorcade ang buong cast (kebs sa mainit na panahon!) at nitong Sunday naman ay nagsagawa sila ulit ng advanced screenings sa NE Pacific Mall. (da-ming inarkilang sinehan ha!) Naimbitahan kami ng mga kasama ko sa online show naming Marites University na sina Rose Garcia, Jun Nardo at Ambet Nabus na mag-host. (lakas maka-mall show hosts !)  Bago rumampa sa red carpet sina Beaver, Mutya at Maxine ay sumalang muna sila sa aming pa-talk show sa mall. (nang-intriga muna bago nanood!) Nakita rito ang chemistry ng tatlo. (lalo na nung magka-love team!)

Halos kumpletong dumating ang buong cast including Claudine Barretto na may special role sa mo-vie. (napa-fly ang lola mo sa Nueva Ecija!) Natutuwa nga raw si Filipina kay Claudine kasi lahat daw ng request nila sa para sa pelikula ay napagbibigyan nito.  (waley attitude!) Special din daw kasi kay Claudine ang movie bilang ang kantang Got To Believe ang ginawang theme song. ‘Yan ang title ng box office hit nila noon ng namayapang Rico Yan.  Kaya naman napapayag din sya na isama ang anak na si Quia Aryanna para umarte sa movie. (bakit ako ‘di naisama?!)

Pinaghalong drama at kilig ang aasahan sa When Magic Hurts. (wait n’yo ‘yung magic!).

Naging tampok din dito ang magagandang tanawin ng Baguio at Atok Benguet. (paandaran ng location ha!) Kasama rin sa cast sina Dennis Padilla, Soliman Cruz, Archie Adamos, Angelica Jones, Aileen Papin at Dennah Bautista. (check nyo na lang sino ang ma-hu-hurt!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

vuukle comment

NUEVA ECIJA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with