^

PSN Showbiz

Nasa styro kasi ebs ng singer-actress napagkamalang cake ng kanyang PA!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa sobrang inis ngayon ng isang veteran actress-show producer sa asawa ng isang dating sikat na young singer-actress ay muling nabuhay sa kamalayan ng mga reporters ang isang ka-yuck-yuck na anekdota tungkol sa female personality.

Nasa taping siya nu’n, bigla siyang inatake ng sakit ng tiyan, sa sobrang pagiging biglaan ng tawag ng kalikasan ay sa isang styro na lang siya nagpalipas ng sama ng loob.

Bigla na siyang tinawag ng staff para sumalang, nagkalimutan na sila ng kanyang PA tungkol sa styro na ginawa niyang toilet bowl, lumipas ang mag­hapon at lulundag na tayo sa pagdating nila sa bahay.

Diretso na sa kuwarto nilang mag-asawa ang pagod na singer-actress, ang kanyang PA na ang nagligpit ng lahat ng kanyang mga kagamitan, natulog na rin ito pagkatapos.

Isang malakas na sigaw ang kanilang narinig ki­naumagahan sa paggising ng kanilang kasambahay, pinakialaman pala nito para tikman ang inakala nitong tirang cake sa styro, nailagay rin pala ng PA sa ref ang pinag-ebakang styro ng kanyang inaalalayang singer-actress.

Mabuti na lang at malakas ang pang-amoy nito, sumingaw agad sa kanyang pagtinidor sa inakala nitong cake ang napakamasangsang na amoy, tumili ito nang walang humpay.

Tuwing napapanood ng tropa ang singer-actress sa isang gag show ay sabay-sabay ang kanilang reaksiyon, “Ang styro, bow!”

Galit na galit ang veteran actress-show producer sa kanyang mister ngayon. Binalewala raw kasi nito ang magandang pinagsamahan ng kanyang misis at ng isang singer-actress din na anak naman ng veteran actress.

Malaking halaga ang ikinowt nito nang magtanong ang veteran actress kung ipagpoprodyus nito ng reunion concert ang tatlong sumikat na young stars nu’ng kanilang panahon.

Hindi tayo dapat maligaw sa takbo ng kuwento. Ang styro pa rin, bow!

Paggiling ni El Granada patok sa mga bakla

Ang magaling na basketball player ng Me­ralco Bolts team sa PBA at ang kanyang kapareha (Chuchay Sabalo) ang tinanghal na champion sa katatapos lang na grand finals ng Celebrity Dance Battle ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez sa TV5.

Magagaling din naman sina Ciara Sotto, Iwa Moto, Priscilla Meirelles, at Rafa Siguion Reyna, pero ibang klase ang husay sa pagsayaw ni Gary “El Granada” David, sabi nga ng mga kaibigan naming beki ay kanin na lang daw ang kulang dahil napaka-yummy ng basketbolista habang sumasayaw.

Kahit naman nu’ng unang sumalang sa show si Gary David ay malakas ang kutob namin na siya ang magkakam­peon. Palibhasa’y maganda ang kanyang footwork, kambalan pa ‘yun ng kanyang makarismang paggiling ng katawan, nu’n pa lang ay meron nang pupuwestuhan ang magaling na basketbolista.

Kuwento ng kaibigan naming beki, “Alam mo bang napakalakas ng appeal ni Gary David sa sangkabaklaan? Mula nu’ng sumali siya sa dance show ni Congresswoman Lucy, nanonood na rin kami ng mga laban ng Meralco!

“Kolboyic ang dating niya kapag sumasayaw, pero kapag nagba-basketball naman, super-macho siya, parang napaka-safe mo kahit saan basta siya ang kasama mo!” kinikilig pang sabi ng beki naming kakuwentuhan.

At hindi lang magaling na dancer si Gary, professional pa siya, ihinahanap talaga niya ng panahon ang pag-eensayo para sa grand finals ng dance show sa kabila ng kanyang paglalaro sa PBA at pagpa-practice para sa FIBA World Cup kung saan siya miyembro ng Philippine Team (Gilas).

Sa rami ng nakalaban ni Gary David at ng kanyang kapareha, sa laki ng kinaing oras sa kanya ng pag-eensayo sa pagsayaw, dapat lang namang magkampeon si El Granada!

Hindi lang siya pampamilya, pang-sports, at pagsayaw pa! Congratulations, Gary Boy!

vuukle comment

ACTRESS

CELEBRITY DANCE BATTLE

CHUCHAY SABALO

CIARA SOTTO

EL GRANADA

GARY DAVID

KANYANG

LANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with