^

PSN Showbiz

Showbiz personality grabe ang ilusyon, nagkakanda-ngiwi-ngiwi rin habang nagpapa-interview

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Favorite topic ng mga reporter ang showbiz personality na nainterbyu nila kamakailan.

Malakas ang kutob ng mga reporter na gumagamit pa rin ng ipinagbabawal na gamot ang showbiz personality dahil kung anik-anik ang mga sinasabi nito.

‘Yung ibang mga reporter, basta na lamang tinalikuran ang showbiz personality dahil hindi na nila masakyan ang mga ilusyon ng kanilang kausap. Minabuti nila na tumalikod kesa sila ang mapraning sa mga kuwento ng showbiz personality na nagkakandangiwi ang bibig habang nagsasalita.

Miles Ocampo mabait at accommodating

Na-meet ko kahapon sa isang Japanese restaurant ang young star na si Miles Ocampo.

Nag-lunch date kami kahapon ng aking bagong friend na si Aries Razal at ang kasama nito na si John ang naka-sight kay Miles.

Big fan pala ni Miles ang special friend ni Aries na hindi nakatiis na magpakuha ng litrato na kasama ang bagets.

Mabuti na lang, mabait at very accommodating si Miles na anak-anakan pala ni Lorna Tolentino dahil nagkasama sila sa isang pelikula ng Star Cinema.

Dalagang-dalaga na si Miles na very close kay Lorna. Pinasalamatan ko si Miles dahil pinagbigyan niya ang request na photo op ng special friend ni Aries.

Jennylyn hindi sinipot ang binyag ng anak ni Mark

Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong kung natuloy ang binyag kahapon ng anak ni Mark Herras dahil hindi naman ako nagpunta kesehodang invited ako.

Ni hindi ko nga alam kung may coverage ang Startalk o ang mga news program ng GMA 7 sa pagpapabinyag ni Mark.

Sigurado naman na natuloy ang binyagan dahil naipamudmod na ang mga imbitasyon at dahil no-show ako, wala akong maisasagot sa mga nagtatanong kung bakit no-show din umano ang isa sa mga ninang na si Jennylyn Mercado. Nag-aalala ang fans nina Mark at Jennylyn na baka na-edit ang name nito sa listahan ng mga ninang kaya hindi siya nasilayan sa naganap na binyagan.

Ex-beauty queen, napagkamalang transvestite

Napagkamalan na bading ang ex-beauty queen nang umapir ito sa isang showbiz event.

Ang ex-beauty queen ang dapat sisihin dahil ang kapal-kapal niya na maglagay ng make up sa mukha eh masyadong sharp ang features niya kaya napagkakamalan siya na transvestite.

Imposibleng hindi alam ng ex-beauty queen na napagkakamalan siya na bading dahil nababasa niya sa social media ang mga mapanglait na puna ng publiko.

Sa totoo lang, hindi popular sa masa ang ex-beauty queen. Hindi rin siya darling of the press dahil confrontational ang nanay niya kapag may mga nasusulat na hindi pabor sa kanya.

Kung friendly siguro ang mag-ina, baka naghinay-hinay ang mga malditang reporter sa pagsusulat sa kanilang obserbasyon na mukhang mhin ang former beauty queen na kulang sa PR.

Flawless, parte na ng kulturang Pinoy

A million thanks sa aking friend na si Rubby Sy dahil sa Louis Vuitton bag na birthday gift niya sa akin.

Takaw-pansin ang LV bag na bigay ni Mama Rubby dahil sa kakaibang kulay. Kinaiinggitan ako ng mga nakakakita sa aking LV bag.

Maraming salamat Mama Rubby na feeling happy dahil number one pa rin sa bansa ang kanyang beauty clinic, ang Flawless na parte na ng kulturang Pinoy.

 

vuukle comment

ARIES RAZAL

BEAUTY

DAHIL

JENNYLYN

MAMA RUBBY

MILES OCAMPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with