^

PSN Showbiz

Gwen may binabalak na masama kina Max, Jackie at Rita

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong linggo sa Innamorata, patuloy pa rin ang pagpaplano ng masama ni Alejandra (Gwen Zamora) hindi lamang laban kay Esper (Max Collins) kung hindi pati na rin kina Gina (Jackie Rice) at Alice (Rita Avila).

Makakawala na ang espiritu ni Esper mula sa kuwintas dahil magagawang mawasak ni Dencio ang ruby pendant ni Alejandra. Ngunit hindi dito nagtatapos ang kasamaan ni Alejandra dahil mas lalo siyang magngingitngit sa galit nang makitang wasak na ang kanyang kwintas. Habang sinusubukan ni Belen (Luz Valdez) na mabuo ang kwintas ay hindi sinasadyang masusugatan siya at mapa­patakan ng dugo ang kwintas. Dahil dito’y unti-unti mabubuo ang kwintas ngunit upang maibalik ang dating lakas ng kapangyarihan ng kwintas ay uutusan ni Alejandra si Belen na pumatay ng tao—si Gina o si Alice.

Susundin kaya ni Belen ang kanyang Senyorita Alejandra? Magawa kayang mapigilan ni Esper ang masamang balak na ito ni Alejandra?

Samantala, patuloy din ang iringan ng magkapatid na sina Dencio (Dion Ignacio) at Edwin (Luis Alandy). Hanggang sa pagliligtas kay Esper ay meron pa ring selosan. May pag-asa pa kayang magkasundo ang magka­patid para sa kapakanan ni Esperanza?

Mapapanood ang Innamorata tuwing hapon, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Villa Quintana sa Afternoon Prime block ng GMA.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

ALEJANDRA

BELEN

DENCIO

DION IGNACIO

ESPER

GINA

GWEN ZAMORA

INNAMORATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with