^

PSN Showbiz

Kris at AiAi tuloy ang tarayan!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa pala natatapos ang away sa pagitan nina Kris Aquino at AiAi delas Alas. Akala ko solved na, kasi wala naman akong naririnig ni ano pa man, lalo na sa panig ni Kris.

Bakit kaya walang magawa rito ang common friend nilang si Boy Abunda? Hindi naman siguro siya hihiyain ng dalawa kung pagbabatiin niya sila. O grabe ang namamagitang away sa dalawa kaya ayaw niya silang pakialaman?

Katrina tanggap nang pang-nanay na ang role

Pumayag na palang mag-mother role ni Katrina Halili. Kung sabagay bilang isang tunay na aktres dapat ay handa siyang gumanap sa anumang role na ialok sa kanya. Isa pa, totoo namang nanay na siya. May anak na rin siya, hindi nga lang kasing tanda ng mga aktor na gaganap na mga anak niya sa isang serye ng Kapuso Network.

Tom marunong tumanaw ng utang na loob

Napakagrasyoso nitong si Tom Rodriguez. Hindi nakalimutanag pasa­lamatan ang pinanggalingan niyang ABS-CBN nang tumanggap ng tropeo sa isang awards giving body kahit pa ang bulto ng kanyang pasasalamat ay ibinigay niya sa kinabibilangan niya ngayong GMA. Hanga ako sa mga marunong tumanaw ng utang na loob.

vuukle comment

BAKIT

BOY ABUNDA

HANGA

ISA

KAPUSO NETWORK

KATRINA HALILI

KRIS AQUINO

NAPAKAGRASYOSO

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with