^

PSN Showbiz

Carmina at Janice, apektado, Kris babalikan ang dating mahal

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Iba’t iba ang reaction ng mga nakabasa sa post ni Kris Aquino sa Instagram (IG) na “True love has a habit of coming back.” at sinundan ng “May 18, 2014.” May nag-akalang tungkol sa love life ang post ng TV host-actress, pero ang tinutukoy nito ay ang kanyang pagbabalik niya sa The Buzz this Sunday na.

Sa pagbabalik ni Kris sa The Buzz, dalawa na ang shows nila ni Boy Abunda dahil tuloy pa rin ang Aquino and Abunda Tonight kahit daily evening show sila. Ma­lakas ang A and A Tonight, kaya itutuloy pa rin ng ABS-CBN.

Kung babalik si Kris sa The Buzz, hindi naman matutuloy ang movie nila ni Derek Ramsay sa Regal Entertainment.

Hindi nabanggit kung gagawa pa rin si Kris ng movie sa Regal na hindi na si Derek ang makakapareha. Ang ganda sana ng concept ng movie na nagustuhan ng dalawa.   

Samantala, may new endorsement na naman si Kris na bawal pang sabihin.

Lovi nag-invest sa ‘cable car’

Pinasok na rin ni Lovi Poe ang pagnenegosyo dahil kasosyo siya ng Cable Car Bar na nasa BGC sa The Fort.  First business venture ito ng aktres at nagkaroon na ng dry run noong isang gabi. Nang malamang kasos­yo siya ng bar, marami ang nagka-interes na pumunta kapag regular na itong nag-o-operate.

Naalala namin, sa branch ng Cable Car sa Tomas Morato, Quezon City binigyan ng surprise birthday party ni Lovi si Rocco Nacino. Ibig sabihin, gusto talaga niya ang nasabing bar kahit saang branch.

Sa interview kay Lovi sa Startalk, hindi pa rin inamin kung boyfriend niya si Rocco at ang sabi lang, what they have is very, very special. Si Rocco pa rin ang gusto niyang kasama ‘pag nag-travel siya dahil masayang kasama, very funny at pinatatawa siya.

Anyway, panay ang labas ng trailer ng Ang Dalawang Mrs. Real , kung saan kasama si Lovi dahil sa June 2 na ang pilot nito. May kissing scene sina Lovi at Dingdong Dantes at dahil adult drama, late ang time slot nito.

vuukle comment

A AND A TONIGHT

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

BOY ABUNDA

CABLE CAR

CABLE CAR BAR

DEREK RAMSAY

DINGDONG DANTES

KRIS AQUINO

LOVI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with