^

PSN Showbiz

Announcement na engagement ni Gwendoline, idinenay ni David Semerad!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

One year nang mga endorser ng Cosmo Cee Vitamin C ang magkapatid na David at Anthony Semerad pero kahapon lang sila na-meet nang personal ng entertainment press.

The who sina David at Anthony? Sila ang twin brothers na co-hosts ni Lucy Torres sa dance show ng TV5.

Mga basketball players din ang kambal na enjoy na enjoy sa presscon na ipinatawag nina Niño Bautista at Red Gatus.

Game na game ang kambal sa interaction nila sa entertainment press.

Older ng 5-minutes si David sa kanyang kakambal na si Anthony.

Si David ang boyfriend ng beauty queen na si Gwendoline Ruais.

Ang cute ng reaction ni David nang i-deny nito na engaged na sila ni Gwendoline. Nagkaroon lang daw ng misunderstanding pero hindi raw totoo na engaged na sila na kontra sa claim ng kanyang girlfriend na beauty queen.

Idinenay naman ni Anthony na hindi siya boto kay Gwendoline.

May tsismis kasi na nagkaroon noon ng hidwaan ang kambal dahil kay Gwen kaya nag-alsa balutan at lumipat si Anthony sa ibang bahay.

Nginitian ni Anthony ang mga pang-iintriga ng press pero feel na feel ko na may bahid ng katotohanan ang tsismis. Naging polite at gentleman lang si Anthony.

Bukod sa pagiging endorser ng Cosmo Cee, ang Vitamin C na puwedeng i-take kahit walang laman ang tiyan, dream ni Anthony na maging artista.

Hindi ilusyonado si Anthony. Knows niya na matutupad ang kanyang pangarap kung matututo siyang magsalita ng Tagalog.

In fairness kay Anthony, may effort siya na  matutunan ang ating sariling wika.

A million thanks Aries…

A million thanks sa aking bagong kaibigan na si Aries Razal ng Kingdom of Saudi Arabia sa Burberry slippers na ipinadala niya sa akin.

Loyal reader ng Pilipino Star NGAYON (PSN) si Aries, kahit abalang-abala siya sa kanyang online business na perfect sa mga mahihilig sa branded na sapatos at bag pero sale, dahil ako ang kanyang favorite columnist, ay pinadalhan niya ako ng original Burberry slippers.

Ka-level ko na si Cedric Lee na original Burberry T-shirt ang suot nang madakip siya ng NBI agents sa Eastern Samar, two Saturdays ago.

Hindi ako puwedeng okrayin at tarayan ni Chito Roño dahil orig ang Bur­berry na tsinelas ko ‘no!

Remember, inokray ni Chito ang Burberry shirt ni Zimmer Raz dahil fake raw. Hindi ko naman nakita si Zimmer nang personal kaya hindi ako sure kung fake nga ang T-shirt niya na katerno ng outfit ni Cedric.

(Salamat din ateng Aries sa sosyal na flat shoes and sandals. – SVA)

Mother Lily maligayang-maligaya sa positive reviews ng So It’s You

Ilang araw nang happy at good mood si Mother Lily Monteverde dahil Gra­ded A ng Cinema Evaluation Board ang So It’s You.

Parang type ko na puntahan si Mother at harbatan dahil maligayang-maligaya siya sa bonggang reviews sa So It’s You na showing sa mga sinehan mula pa noong Miyerkules.

Ibinalita rin ni Direk Jun Lana na inimbitahan ang pelikula sa isang filmfest sa New York City.

vuukle comment

ANTHONY

ARIES RAZAL

BURBERRY T

CEDRIC LEE

CHITO RO

CINEMA EVALUATION BOARD

COSMO CEE

SO IT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with