^

PSN Showbiz

Itinanghal na Services Company at Woman of the Year... ABS-CBN at Charo Santos-Concio, panalo ng Gold Stevie Awards

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wagi ng Gold Stevie Awards ang ABS-CBN at ang president at CEO nitong si Charo Santos-Concio sa Ser­vices Company of the Year at Woman of the Year categories para sa Pilipinas sa prestihiyosong 2014 Asia-Pacific Stevie Awards.

Ang Asia-Pacific Stevie Awards ang unang business awards program sa 22 na bansa sa Asia-Pacific region. Ito ang pi­na­kabago sa lahat ng Stevie Awards prog­rams, kung saan kabilang ang Interna­tio­nal Business Awards na higit sa isang de­kada nang nagbibigay ng karangalan sa iba’t ibang kumpanya sa buong mundo.

Pinarangalan ang ABS-CBN para sa patuloy nitong paglilingkod sa mga Pilipino sa loob at labas man ng bansa, lalo na nang tumugon ito sa mga pangangailangan ng mga biktima ng bagyong Yo­landa.

Kinilala naman si Santos-Concio sa kanyang pamumuno sa ABS-CBN, dahilan ng patuloy nitong pamamayagpag sa TV ratings at ang pagpalo sa takilya ng mga pelikula ng Star Cinema, pagtaas ng kita ng kumpanya, at pagsabak nito sa ibang negosyo gaya ng ABS-CBNmobile, ang theme park na Kidzania Manila, at TV home shopping channel na O Shopping, at ang patuloy nitong pagbibigay ng serbisyo-publiko.

Noong 2013, nakatanggap ng pitong Best TV Station awards ang ABS-CBN, habang limang individual awards naman ang nakuha ni Santos-Concio.

Muling pipili ang isa na namang international panel ng mga hurado ng limang Grand Stevie winners mula sa lahat ng Gold winners ngayong buwan at paparangalan ang mga ito sa Seoul, South Korea sa Mayo 30.

 

vuukle comment

ANG ASIA-PACIFIC STEVIE AWARDS

ASIA-PACIFIC STEVIE AWARDS

AWARDS

BUSINESS AWARDS

CHARO SANTOS-CONCIO

COMPANY OF THE YEAR

GOLD STEVIE AWARDS

GRAND STEVIE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with