^

PSN Showbiz

Para magka-solohan nang husto Kris at Herbert pinalalayo ang mga bodyguard ‘pag nagdi-date!

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino sa Starbucks Imperial Palace (Tomas Morato, QC) noong Linggo nang hapon.

Mga 30 minutes din daw ang dalawa sa nasabing coffee shop.

Kung pagbabasehan ang kanilang mga kilos, duda ang mga nakakita sa kanila na totoo nga ang tsismis na mag-on na sila.

Isa lang ang kasama nina Bistek at Kris sa loob ng coffee shop at naiwan sa labas ang kani-kanilang bodyguards.

Mukhang tanggap naman ng mga tao ang sinasabing relasyon ng dalawa dahil maraming kinilig nang ma­kita silang magkasama.

Dahil napapabalitang sumasama na si Bistek sa family dinner ng pamilya ni Kris at nakikita na silang lu­malabas, ang tanong ngayon ay kung kailan kaya aa­minin ng dalawa ang tungkol sa napapabalita nilang relasyon.  

Addie Manzano pansinin na

Si Addie Manzano sa Power Plant Mall noong Linggo.

Pinagtitinginan ng mga tao ang anak ni Edu Manzano dahil unti-unti na siyang nakikilala at isa siya sa tatlong endorsers ng Bench whitening body lotion.

May commercial ang nasabing Bench product, kaya napapanood na sa TV si Addie kaya kahit paano ay may recall na siya sa mga taong nakakasalubong sa nasabing mall sa Rockwell, Makati City.

May kasamang guwapong lalaki si Addie na akala ng iba ay boyfriend niya, pero kapatid niya ang kasama niya that afternoon, si Enzo.

Hindi nagsu-showbiz si Enzo, kaya walang masyadong nakakakilala sa kanya.

Jeric at Jeron Teng hinihigpitan ng ina para hindi mag-girlfriend?!

Ang basketball players na sina Jeric at Jeron Teng noong Linggo sa Bench store sa Power Plant mall.

Latest endorsers ng business empire ni Ben Chan ang magkapatid at nagpu-pullout sila ng mga damit sa nasabing Bench store.

Kasama nila na pumipili ng kanilang mga damit ang parents nilang sina Alvin at Susan Teng.

Parehong walang girlfriend ngayon sina Jeric at Jeron, kaya pamilya pa rin ang palagi nilang kasa-kasama sa mga personal nilang lakad.

Kapag sa mga event at ibang commitments na pinupuntahan na may kinalaman sa kanilang mga career, hindi na masyadong sumasama ang pa­milya nila dahil ayaw nilang ma-tag na “stage family”.

Ang hindi raw pagkakaroon ng girlfriend ay sariling desisyon nina Jeric at Jeron dahil gusto muna nilang mag-concentrate sa kanilang mga career at hindi dahil pinipigilan sila ng inang si Susan na aminadong mahigpit sa mga anak, pero nasa lugar naman daw ang kanyang paghihigpit.

Extended…

Eighteen weeks pala kadalasan ang haba ng afternoon series ng GMA 7 at kung nagki-click, saka nagdedesisyon ang Kapuso network management na habaan ‘yon.

Balitang hahabaan ang The Borrowed Wife nina Camille Prats, Rafael Rosell, Pauleen Luna at TJ Trinidad.

Malamang daw na tumagal na ito ng 20 weeks.

Sarah hindi na umurong sa TV5

Mali ang akala ng iba na isang drama series ang gagawin ni Sarah Lahbati sa TV5.

Movie made for television ang proyektong pagsasamahan nina Sarah at Alice Dixson sa Kapatid network.

Mismong ang GMA 7 management ang nagdesisyong i-tuloy ni Sarah ang proyektong gagawin sa TV network na pinamamahalaan ng dating senior vice-president ng Siyete na si Ms. Wilma Galvante.

Hindi nga naman maganda kung bigla na lang a-atras si Sarah sa proyekto ng TV5 dahil nagkabati na sila ni Annette Gozon-Abrogar.

Bago pa nagkabati ang dalawa, naayos na ni Sarah at ng GMA Artist Center ang proyektong ‘yon.

Sa katunayan, hindi lang si Sarah ang humaharap sa mga taga-TV5 para sa proyektong ‘yon kundi pati ang GMAAC head na si Ms. Gigi Santiago-Lara.                                                                           

vuukle comment

ADDIE

JERIC

JERON TENG

LINGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with