^

PSN Showbiz

Limot na sana Ruffa biglang naalala ang anniversary nila ni Yilmaz sa kasal ni Miriam

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang saya-saya ko kahapon dahil nabigyan ako ni Ruffa Gutierrez ng Cosmo Skin glutathione pills, ang kanyang bagong product endorsement na nagpapaputi ng balat. Kahit senior citizen na ako, may bisa pa rin sa akin ang Cosmo Skin pills.

Na-meet ko rin kahapon sina Red Gatus at Niño Bautista, ang mga big boss ng Bargn Farma­ceutici Philippines, Inc., ang manufacturer ng Cosmo Skin.

Ni-remind ko kina Red at Niño na ipino-promote ko dati sa Startalk ang Cosmo Cee na produkto rin ng kanilang kompanya. Hindi lang malinaw sa akin kung bakit nahinto ang pagpunta sa Startalk studio ng kanilang representative pero may na-discover kami. Nag-promise sina Red at Niño na mag-iimbestiga sila. Mag-iimbestiga raw o!

Perfect endorser si Ruffa ng Cosmo Skin dahil mula nang gamitin niya ang produkto, lalong naging flawless at maputi ang kanyang balat.

Tuwang-tuwa si Ruffa nang malaman niya na nalagay na sa lahat ng Watsons at SM Beauty section ang mga billboard at poster ng Cosmo Skin.

Nadoble ang happiness ni Ruffa nang sabihin nina Red at Niño na willing ang Cosmo Skin na maglagay ng ads sa It Takes Gutz to be a Gutierrez, ang coming soon reality show ng Gutierrez family sa E! International Channel. Kapag natuloy ang plano, tiyak na lalong darami ang bibili ng Cosmo Skin at tatangkilikin ito sa Asian countries bilang international channel ang E!

Ikinasal si Miriam Quiambao sa kanyang fiancee na si Ardy Roberto sa Tagaytay City noong Lunes.
Kabilang si Ruffa Gutierrez sa mga invited guest at nang kantahin ang The Prayer, saka naalaala ni Ruffa na wedding anniversary nila ng kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas noong March 25.
Na-realize ng beauty queen-TV host-actress na totoo pala ang kasabihan na ginagamot ng panahon ang mga sugat dahil muntik na niyang makalimutan ang petsa ng wedding anniversary nila ng kanyang ex-dyowa.

Kahit ibigay pa ni Yilmaz sa kanya ang langit, wala nang balak si Ruffa na makipagbalikan sa ama ng mga anak niya. Wala na raw siyang nararamdaman na pagmamahal para sa ex-husband at papayag lamang siya na pumunta sa Turkey kung may mga TV camera na nakatutok para sa second season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Enjoy na enjoy ako sa pakikipagkuwentuhan kay Ruffa dahil marami siyang alam na isyu pero off the record lahat.

Ayaw niyang sabihin ang title ng pelikula na ginagawa nila nina Sarah Geronimo at Coco Martin. Basta ang alam niya, sa May 16 ang playdate ng still untitled movie.

Hindi rin sinabi ni Ruffa ang role niya sa upcoming movie ng Star Cinema. Mala-Devil Wears Prada raw ang kuwento ng pelikula pero hindi kasing maldita ng role ni Meryl Streep ang kanyang karakter.

Babalik si Ruffa sa Paris, France sa April at isasama niya ang mga anak na sina Lorin at Venice.

Pupunta ang mag-iina sa Lourdes at sa ibang holy places sa Europe.

Itinanggi ni Ruffa na may French guy na nali-link sa kanya. Totoo raw na may mga text message ng mga mhin na nakakapagpa-smile sa kanya pero wala siyang boyfriend ngayon. Wondering nga si Ruffa kung sino ang mhin na magpapatibok sa kanyang pihikan na puso.

vuukle comment

ARDY ROBERTO

BARGN FARMA

COCO MARTIN

COSMO

COSMO SKIN

IT TAKES GUTZ

RUFFA

RUFFA GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with