^

PSN Showbiz

Tatlong buwan na sana ang ipinagbubuntis Ara Mina naagasan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakunan pala si Ara Mina as in nalaglag ang ipinagbubuntis niya. Tatlong buwan na ang sanggol na dinadala ni Ara pero naagas nga ang anak sana nila ni Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Nakapanghihinayang ang nangyari kay Ara dahil matagal na niyang pinapangarap na mabuntis at magkaroon ng anak. Maraming beses na sinabi ni Ara sa past interviews sa kanya ang plano na mabuntis.

Hindi pa naman huli ang lahat. Puwede uling mag-try si Ara at ang kanyang mabait na boyfriend. Nasa legal age na si Ara para maging ina at may-bahay ni Mayor Meneses.

Marian pinilahan

May big presscon ngayon para sa bagong product endorsement ni Marian Rivera.

Hindi ko muna sasabihin ang pangalan ng produkto para hindi ma-pre empt ang announcement sa gaganapin na presscon para kay Marian.

Ipinakilala noon si Marian bilang endorser ng Sof and MMMMM fabric conditioner at may bagong endorsement siya uli.

Ito ang katuparan ng dream ni Marian na dumami ang kanyang mga product endorsement.

Ikinuwento ng isang insider na malakas ang benta ng FHM na si Marian ang nasa cover.

Mabilis daw na naubos ang mga kopya ng FHM sa mga magazine stand. Tuwang-tuwa nga ang FHM staff dahil pinilahan ang meet-and-greet/ autograph signing ni Marian sa Robinson’s Galleria noong Sabado.

Hindi naringgan ng reklamo si Marian na siguradong sumakit ang daliri dahil sa rami ng mga FHM magazine na pinirmahan. Kaligayahan na ni Marian na mapasaya ang kanyang fans na matiyagang naghintay sa pagdating niya sa Robinson’s Galleria.

Ruffa hindi nakasama kay John Lloyd sa Bora

Bumalik na kahapon sa Maynila si Sandy Andolong at ang kanyang anak na si Mariel.

Nagpunta sa Boracay ang mag-ina dahil nag-taping si Sandy para sa summer episode ng Home Sweetie Home, ang sitcom niya sa ABS-CBN.

Guest dapat si Ruffa sa summer episode ng Home Sweetie Home pero hindi siya puwede dahil sa taping ng It Takes Gutz to be a Gutierrez sa Singapore, Malaysia, at Thailand.

Sen. Loren wala nang plano sa mas mataas na posisyon

Maraming alaala ang nagbalik sa akin habang papunta kami sa ancestral house ni Senator Loren Legarda sa Malabon City noong Sabado.

Naalaala ko ang isang publication na madalas kong puntahan dahil isina-submit ko ang aking mga article.

Hindi pa uso noon ang trapik kaya madali sa akin ang bumiyahe mula sa Quezon City hanggang Kalookan.

Nakatira rin sa Malabon City ang aktor na sikat na sikat noong araw. Pinapunta ako ng aktor sa kanyang bahay na ubod ng layo dahil sa regalo na ibibigay niya sa akin.

Excited ako na nagpunta. Sumakay ako ng taksi, kesehodang mahal ang metro at dahil malayo nga ang bahay ng aktor, pinaghintay ko ang taxi driver. Ang ending, mas mahal pa ang ibinayad ko sa taksi kesa sa  “love offering” ng aktor.

Hindi ko na matandaan ang exact home address ng aktor. Basta ang alam ko, malayo ang bahay niya sa ancestral house ni Mama Loren na wala nang balak na mag-seek ng mas mataas na posisyon kapag natapos ang term niya bilang senador sa 2016.

Nakita ko nga pala sa bahay ni Mama Loren ang mga litrato niya noong bagets at commercial model pa siya.

Hindi nagbago ang itsura ni Mama Loren. Sa totoo lang, habang nagkakaedad, lalo siyang gumaganda. Beauty queen material talaga si Mama Loren.

 

vuukle comment

ARA MINA

BULACAN MAYOR PATRICK MENESES

DAHIL

HOME SWEETIE HOME

IT TAKES GUTZ

JOHN LLOYD

MALABON CITY

MAMA LOREN

MARIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with