^

PSN Showbiz

Parents ni Toni nakalimutan kaagad ang sensuwal na eksena sa kama

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nagsasabi na mukhang nalalapit na ang pag-aasawa ni Toni Gonzaga matapos mapanood ang pelikulang Starting Over Again. Mahigit P360 million na ang kinita ng pelikula at talagang kapansin-pansin talaga ang ginawa ng aktres dito. “Hindi, dapat lang naman na ibigay na ang lahat kasi si Direk Olive Lamasan minsan lang gumawa ng pelikula at she said yes to this kind of project na maidirek ako. So, parang she deserves it from me and this project deserves it from me that I give something new. I give something different to my audience because I think ’yung mga aktres dapat they mature. Not in a way that they shed clothes, they bare skin, maturity when it comes to attacking roles and portraying characters, ganyan,” paliwanag ni Toni.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na gumawa ng love scenes ang aktres sa isang proyekto. Ano kaya ang naging reaksiyon nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy na parehong kilala sa pagiging istrikto sa mga anak nang mapanood ang nasabing eksena?

“Parang nakalimutan nila agad ’yung dalawang heavy na scenes na semi-love scene. Parang nakalimutan nila sa bigat at ganda ng pelikula. Sabi nila na-compensate naman. Hindi naman siya gano’n kahalay as expected kasi ’yung ginagawa namin tinatakot ko na sila kaya sobrang iba ’yung na-expect nila kaya no’ng nakita nila okay naman sa kanila,” kuwento ni Toni.

Direk Laurice balik-Kapamilya dahil kina Erich at Enchong

Muling magtatambal sina Erich Gonzales at Enchong Dee sa teleseryeng Once Upon a Princess. Excited na raw ngayon ang direktor nitong si Laurice Guillen na makatrabaho ang dalawa.

“I’ve worked with Enchong before both in a film and a workshop. ’Tapos si Erich kilala ko na from a workshop before pa pero it’s my first time to work with the two of them together. They have a special chemistry kaya I look forward to working with them sa project na ito,” nakangiting pahayag ni Direk Laurice.

“With them I anticipate that it’s going to be easy, creative, and very collaborative. Madaming sequences ito pero I’m sure that we can do it fast and it will be fun at the same time.”

Nagandahan daw talaga ang direktor sa istorya ng bagong soap opera kaya hindi na siya nakahinding gawin sa pamunuan ng Kapamilya Network.

“Gusto ko ‘yung story and gusto ko rin ‘yung casting. Gusto ko rin talagang gumawa ng romance drama para hindi naman panay mabigat na drama. I was going to do a film talaga in ABS-CBN but then they asked if I could do this first. Ang una pa ngang sinabi rom-com (romantic-comedy), sabi ko, okay kasi ang tagal ko na ring hindi gumagawa ng pelikula at ’yung mga huli kong pelikula were really serious dramas. So, pagbalik ko, I wanted to do something different, either romantic drama or even a rom-com. No’ng makita ko itong story nito, hindi siya rom-com, romantic drama siya na nakaka-engage. Ito ’yung klase ng romantic novel na binabasa ko rin no’ng kabataan,” pagdedetalye ni Direk Laurice.

Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

DADDY BONOY

DIREK LAURICE

DIREK OLIVE LAMASAN

ENCHONG

ENCHONG DEE

ERICH

ERICH GONZALES

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with