^

PSN Showbiz

Kahit vegetarian Roy Alvarez namatay sa atake sa puso

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ikinalulungkot ko ang biglaang pagpanaw ni Roy Alvarez noong Martes. Shocked na shocked ako nang makarating sa akin ang balita dahil malakas na malakas si Roy nang huli kaming magkita.

Alaga ko si Roy at pumayag ako na i-manage ang kanyang career dahil sa aming common friend na si Jo-ann Maglipon. Natatandaan ko pa na nagkita kami noon ni Roy sa burol ng nanay ni Jo-ann at dito niya ako kinausap.

Nabigyan ko si Roy ng mga project sa GMA 7. At home na at home siya sa GMA 7 na nagbigay sa kanya ng mara­ming drama series.

Naulila ni Roy ang kanyang misis na si Nieves at anak na si Miren. Nakaburol ang labi ni Roy sa Santuario de San Jose, Greenhills, Mandaluyong City.

Nataranta ang staff ng Villa Quintana sa pagpanaw ni Roy. Ire-revise ang script ng Villa Quintana dahil sa nangyari kay Roy. Wala pang taping schedule sa linggong ito ang afternoon teleserye ng GMA 7 dahil sa changes na mangyayari sa programa.

Nagpahayag ng kalungkutan ang co-stars ni Roy. Hindi makapaniwala si Paolo Contis na wala na si Roy na isang vegetarian.

One time, ininggit ni Paolo si Roy sa set ng Villa Quintana. Nag-order si Paolo ng bagnet at lechon para inggitin si Roy na natawa lang. Walang nagawa ang pang-iinggit ni Paolo dahil hindi talaga nito na-tempt si Roy na tikman ang bagnet at lechon.

Alice makiki-valentine kay Ogie

Ngayon ang unang gabi ng Samahang Walang Ka-Valentine, ang Valentine show ni Ogie Alcasid sa Music Museum.

Hindi dapat mag-worry ang mga hindi makakapanood ngayong gabi dahil three consecutive nights ang Samahang Walang Ka-Valentine. Mapapanood n’yo pa bukas, February 14  hanggang Sabado ang show ni Ogie.

Special guest ni Ogie si Solenn Heussaff na hindi naniniwala sa mga Valentine date kaya magtatrabaho siya sa Araw ng mga Puso.

Nagbiro si Martin Nievera na walang Valentine date si Ogie sa Valentine’s night dahil siya ang kasama ni Regine Velasquez.

Birong totoo ang sinabi ni Martin dahil sila ang magka-partner ni Regine sa Voices of Love na itatanghal bukas sa Mall of Asia Arena.

Hindi naman totally alone si Ogie dahil nag-promise si Alice Dixson na panonoorin ang Samahang Walang Ka-Valentine. Si Alice ang talagang walang Valentine date dahil hiwalay na sila ng kanyang asawa na Canada-based. Si Alice ang leading lady ni Ogie sa Confessions of a Torpe, ang upcoming tawaserye ng TV5.

‘Pelikula’ nina Nora at Tirso, hindi napanood ng marami

Nanghinayang ako dahil hindi ko napanood noong Martes ng gabi ang When I Fall in Love, ang movie made for TV ng TV5 na pinagbibidahan ng love team nina Nora Aunor at Tirso Cruz III.

Nawala kasi sa isip ko na ipalalabas noong Martes ang When I Fall in Love. Wish ko lang, i-replay ng TV5 ang Nora-Tirso show para sa kapakanan ng mga hindi nakapanood. Hindi naman halata na fan ako ng Guy & Pip love team ‘no?

Ruby Tuason makikipag-compete sa mga afternoon teleserye

Haharap ngayon si Ruby Tuason sa senate inquiry dahil sasabihin daw niya ang lahat ng kanyang mga nalalaman tungkol sa pork barrel scandal.

Makikipag-compete na naman ang senado sa mga afternoon teleserye dahil tiyak na tututukan ng televiewers ang real-drama sa senado.

vuukle comment

DAHIL

OGIE

ROY

RUBY TUASON

SAMAHANG WALANG KA-VALENTINE

SI ALICE

VALENTINE

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with