^

PSN Showbiz

Willie Revillame tinawag na sinungaling ng mga taong tumulong kay Tado

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Ay supalpal si Willie Revillame. Kahapon ay pumalag ang mga taong totoong tumulong para maayos ang bangkay ng komedyanteng si Tado na kasama sa mga nasawi sa nahulog na bus sa Mt. Province few days ago.

Ang sabi sa natanggap kong text message, hindi si Mr. Revillame ang nagmagandang loob na tumulong sa komedyanteng naaksidente.

“NO. No, no, and no again. I know for a fact that it was Gang Badoy, with Rock Ed friends, and colleagues from Dakila who traveled from Manila to Bontoc to collect Tado’s remains, and bring Tado back home to his waiting family in Manila. His friends from Dakila are now manning the wake.

“This is a lie, the most insulting kind, and Tado’s friends asked me to help clear this out.

“Willie, respect the dead by not using Tado to propel you back into the limelight. Respetuhin mo rin ang mga totoong kaibigan na totoong naghirap, at totoong nag­luluksa. Tama na yan, pre. Sa’yo na ang jacket mo,” sabi ng isang abogado na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Ipinamalita kasi ng komedyante na wala ngayong TV show na tumulong siya para maibaba ang walang buhay na katawan ni Tado ng Manila mula sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.

Nabasa ko pa na nagbigay pa raw ng pera si Mr. Revillame na eklay eklay lang na ayaw niyang sabihin. 

 

So ano ‘yun, press release lang?

Ang Dakila ay isang samahan ng mga artists, students at individual na isa sa mga founder si Tado.

Tinatanong din ng source ko kung totoo ring nagbigay ng P1 M si Mr. Revillame kay Vhong Navarro katulad nang mga kumakalat na kuwento, pero wala pang sagot ang pinagtatanungan namin.

Deniece babae diumano ang karelasyon

Kaloka may bagong version naman ng kuwento tungkol kay Deniece Cornejo.

Ang pinagbubulungan naman, diumano ay ang kapatid ni Cedric Lee na si Bernice Lee ang ‘karelasyon’ ni Deniece.

Kung anuman ang iniisip ninyo ay ‘yun na ‘yun. Ganun daw.

Pero in fairness kay Deniece, sex object ngayon ang tingin sa kanya ng mga kalalakihan. Ang lagi raw nai-imagine ng mga lalaki ngayon ay ‘yung ginawa nito kay Vhong.

 

Suki ng online edition

Special greetings to my new found friend and online rea­der of  PSN (philstar.com/ngayon) na si Aries Razal na naka-base sa Saudi Arabia.

Kilalang-kilala ni Aries si Nay Lolit Solis at ang lahat ng columnist dito sa PSNGAYON.

Isa lang si Aries na may online business din sa milyun-milyong kababayan natin sa ibang bansa na suki ng online edition ng PSN.

vuukle comment

ANG DAKILA

ARIES RAZAL

BERNICE LEE

CEDRIC LEE

DENIECE

MR. REVILLAME

TADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with