^

PSN Showbiz

Deniece magsasalita na naman

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Mapapanood ngayong hapon sa Startalk ang mga bagong kaganapan tungkol sa pambubugbog kay Vhong Navarro ng grupo ni Cedric Lee.

Pumayag si Deniece Cornejo na mag-guest ng live sa aming show pero puwedeng magbago ang kanyang isip.

Kung may pinanghihinayangan ako, hindi ako nakapagpakuha ng litrato na kasama si Vhong nang bisitahin ko siya sa ospital. Nawala talaga sa isip ko ang magpa-picture at nang sabihin ko ito kay Chito Rono, nag-dialogue ito na papayag naman si Vhong na magpakuha kami ng litrato.

Kilalang opinion columnist mababaw ang analysis

Nabasa ko ang mga isinulat ng mga opinion columnist tungkol sa nangyari kay Vhong. Isa lang ang masasabi ko, mabababaw ang kanilang mga analysis. Dyuskoday, hindi ako makapaniwala na magsusulat ng napakababaw na opinyon at walang basehan ang opinion columnist na tinitingala.

Hindi masama na makisawsaw sila sa mga showbiz issue pero sana naman, mag-research muna sila nang todo para hindi makuwestyon ang kanilang mga kredibilidad. Bakit hindi nila tawagan sa cellphone si Chito dahil sinasagot naman nito ang lahat ng natatanggap na phone calls?

Bossing mahirap talagang harbatan, PSG ang itinuro

May report din ang Startalk tungkol sa mga hinaing ni James Yap na matagal nang hindi nakakasama ang anak na si Bimby.

Daig ko pa si James dahil nakita ko si Bimby sa Annabel’s Restaurant noong Biyernes. Kasama ni Bimby ang kanyang madir na si Kris Aquino dahil nagpunta sila sa Thanksgiving party ng My Little Bossings.

Walang invited press sa Thanksgiving party dahil ang lead stars at mga produ ng My Little Bossings ang na-sight ko.

Nakita ko si Bossing Vic nang paalis na siya sa Annabel’s. Tinawag ko siya at biniro na bigyan niya ako ng datung. Ang sagot ni Bossing? “ Punta ka doon sa loob. Marami.. maraming PSG doon!”

Mahirap talaga na harbatan si Bossing. Hindi siya nawawalan ng dahilan kapag hinaharbatan ko. Hindi ko sinunod ang advice niya na pumasok sa loob dahil maraming PSG. Paano kung dakpin ako ng PSG  dahil sa salang panghaharbat?

Mga bisita nina Iya at Drew hindi nagawang maglihim

Correction please. Ikinasal sina Iya Villania at Drew Arellano sa isang private resort sa Nasugbu, Batangas noong Biyernes.

Kabilang sa mga ninong si Kim Atienza na naloka sa grabeng trapik sa Tagaytay City  habang papunta siya sa wedding venue.

Matagal nang magkarelasyon sina Iya at Drew na unang nagkakilala sa set ng isang youth-oriented show ng GMA 7.

Kahit nasa showbiz sila, very private ang dalawa kaya sinikap nila na ilihim ang kanilang pagpapakasal.

Eh walang puwedeng ilihim sa showbiz. Nabuking din ang naganap na kasalan noong Biyernes dahil mabilis na kumalat sa social media ang wedding photos nina Iya at Drew. Hindi naman puwedeng pagbawalan ang mga bisita na huwag i-post sa kanilang mga Twitter at Instagram accounts ang pictures at news ng pag-iisang dibdib nina Drew at Iya.

vuukle comment

ANNABEL

BIMBY

BIYERNES

BOSSING VIC

CEDRIC LEE

IYA

MY LITTLE BOSSINGS

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with